LUS 57

223 35 17
                                    



"Meet my fears.

Face my fears.

Let go of my fears."

~ Maribella Grace






⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Fears"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍













"MI BELLA!" Nabasa niya ang buka ng bibig nito. "Sarah! Help Fiona!" Narinig niyang sigaw nito sabay tulak ng babae sa isa ring naka-military gear. Mabilis na napatakbo si Leland sa kanya.

Kita sa mukha ni Leland ang takot, kaba at pagmamadali. Nagtataka siya kung bakit mabilis nitong inalis ang rifle na dala kaya mabilis niya itong sinalubong.

Mula sa kanyang kinatatayuan, nakita niya ang pagkakagulo sa likuran ni Leland. Hindi man maliwanag, pero alam niyang nagkakagulo ang mga ito.







"DAVE!" Sigaw na nagmula sa likuran ni Leland. Mabilis na nilingon ni Leland ang pinanggalingan ng pamilyar na boses.

"Mi Bella!" Wala na siyang sinayang na oras. "Sarah! Help Fiona!" Mabilis niyang ipinasa kay Sarah si Fiona, agaran man ay maingat pa rin niya itong nagawa.

Mabilis niyang tinakbo si Maribella. Hindi ito pwedeng makalapit dito dahil alam niyang maghihisterya ito kapag nakita ng malapitan si Clifford. Hindi pwedeng ngayon atakihin ng panic attack ang dalaga, masyadong magulo at masyadong delikado.

Agad-agad niyang hinubad ang nakasukbit na rifle at ang kanyang holster na may baril pa. Mabigat ito lalo pa't buhangin ang kanyang tinatakbuhan.

Sanay siya sa mga ganitong sitwasyon lalo pa't ilang beses na rin naman silang nadestino sa mga disyerto ng Middle East, Africa, Morroco, Egypt at kung saan-saan pa.

Pero iba ito ngayon. Kailangan niyang makarating kay Maribella bago ito makarating sa kanya. Masyado itong malapit kay Clifford.

"DAVE!" Isang sigaw na nagmumula sa kanyang pinanggalingan ang mabilis niyang nilingon.

Nakita ni Leland ang pagkuha ni Clifford ng baril ni Arkady mula sa holster nito sabay tulak dito na sanhi ng pagkatumba nito kay Mikael.

Maagap ding ginaya ni Imelda ang ginawa ng kapatid. Inagaw nito ang nakasukbit na baril sa tagiliran sabay tulak din kay Sarah, dahilan para matumba ito. Kahit gising na Fiona ay wala pa rin itong lakas kaya pareho silang gumulong sa buhangin.

Walang sabi-sabing itinutok ni Clifford at Imelda sa kanila ni Maribella ang mga baril na hawak. Mabilis man ang pag-apay ni Renato kay Sarah para na rin tulungan si Fiona, parang ang bagal ng kilos ng bawat isa.

Walang nagawa si Ishmael kundi ang idukdok si Dustin sa buhangin.

Nang makabawi na ang iba, ibinagsak ni Abner ang sariling gear nito at pinilit na abutin si Clifford. Ganun din ang ginawa ni Mikael. Kahit alam ni Leland na hindi maabutan ni Mikael si Imelda bago nito maiputok ang baril na hawak.

Walang ibang naisip si Leland kundi akapin si Maribella at iharang ang kanyang katawan dito. Sanay siyang mabaril, alam niyang kaya niya.

Nakita niya ang pagkilos ni Abner para agawin ang baril kay Clifford, habang nagpipilit namang bumangon si Fiona para maabot si Imelda.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon