Maraming salamat sa palaging pag-aabang. Pa-birthday ko sa inyo ang update na ito. ~Ms. J⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Be With You"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"SAAN galing ang mga gagong ito?" Tanong niya, nakalapit na siya. Nakataas din ang mga baril nito at handa silang barilin ng mga ito.
"Sige! Iputok n'yo!" Sigaw ni Renato. "Sa pagputok ng baril n'yo, sabay-sabay din kayong makikipag-inuman ng tubig-alat kay Kamatayan!" Dugtong pa nito. Hindi kumikibo ang apat na lalaki. Hindi rin siya kumibo dahil baka matawa lang siya. Ang daming alam ng gago.
Gusto niyang lingunin at sigawan si Renato dahil kung papuputukin ng dalawang ito ang mga baril na hawak, paniguradong siya ang unang bubulagta dahil sa kanya nakatutok ang dalawa. Ang dalawa naman ay talikurang nakaharap sa mga kaibigan niya, kaya hindi niya inaalis ang mga mata sa dalawang kaharap.
"Ngayon na ba, Kapitan?" Tanong ni Arkady. Kung wrong timing ang pag-uusapan, si Arkady ang hari nun. Napabuga na lang siya ng hangin. I will kill this impatient motherfǔcker!
Gusto pa sana niyang usisain ang apat na lalaki kahit sandali para makakuha ng kaunting impormasyon sa mga ito pero mas magandang nga sigurong mamaya na lang. Laglag ang balikat na ikinumpas ang kamay.
"Do what you want, Ark!" Simple niyang sabi sabay ngisi sa apat na huli.
Apat na kasa, sabay. Apat na pitik, sabay na sabay. Apat na putok, iisa ang tunog, apat ang bumulagta. Sapol sa leeg ang apat. Napapailing si Leland. Kahit kelan talaga mayayabang ang mga kaibigan.
"Damn! These tranqs are good, instant knockouts." Malapad ang ngiting sabi ni Arkady, tinutukoy nito ang tranquilizer gun na ginamit ng mga ito.
Gumawa si Leland ng mental note. He will make sure to carry one of those from now on.
"What will we do with these idiots?" Tanong ni Abner na salubong ang kilay.
"Nakakailang araw pa lang tayo dito, aksyon agad?" Puna ni Renato.
"Sira. Maswerte nga at inabot pa tayo ng ilang araw, usually wala pang 24 oras nakasabak na kaagad tayo sa aksyon." Sabat ni Ishmael.
"Tama ka." Pagsang-ayon ni Mikael sa kaibigan.
"We need to be more careful and watchful from now on. Wala na munang tambay-tambay at wala nang palamya-lamya." Sabi niya. Tumango-tango naman ang lima.
"Haaayyy. In short, wala munang lovelife." Malungkot na turan ni Maikael. Mabilis na napalingon ang iba sa binata.
"Ay pucha! Humaharot ang leche!" Nasusuka-suka pang turan ni Renato. Natawa sila ng wala sa oras.
"Tado ka, Natoy! Palibhasa hindi ka marunong lumablayp!" Singhal nitong simangot na simangot.
"Tama na yan. Unahin na muna natin 'to." Tatawa-tawa niyang sabi.
"Mabuti pa nga." Sang-ayon ni Arkday. "Let's split the watch." Dugtong nito.
"We need to talk to the de Santino family first, para aware naman sila sa nangyari ngayon at sa maaaring mangyari pa. Dalawang putok ang bumulabog sa isla kanina, isama pa ang ngayon. Our family will be fine dahil alam nila why we are here, at alam din nila Daddy at kung ano ang gagawin sa mga apo nila. Pero ang mga taga-rito ay hindi." Pahayag niya.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...