⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Distance"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"ABE, magtapat ka nga sa amin." Walang kagatul-gatol na sabi ni Mikael. Nakasanda Nakakunot ang noo nito. Napalingon tuloy ang mga kaibigan pati na si Leland sa sa dalawa.
"Ano na naman yang kalokohan na yan, Mike?" Tanong ni Ishmael. Sabay hubad ng t-shirt at itinapon sa ibabaw ng backpack nito.
"Malay ko d'yan. Bakit hindi si Mike ang tanungin n'yo." Bwelta ni Abner. Matiim itong nakatitig kay Mikael.
"Ano naman ang ipagtatapat ko? Wala naman akong itinatago. Ang alam ko, yung iba d'yan ay may itinatagong pagtingin sa panganay na babae ng mga de Santino." Tuluy-tuloy na sabi ni Mikael. Napaubo si Leland at Ishmael.
"May trangkaso kayo?" Bungad ni Renato pagpasok na pagpasok sa villa kung saan nila nagpakasunduang tumambay ngayong araw na ito.
Nagsama si Leland, Mikael at Abner sa iisang villa habang si Ishmael, Renato at Arkady ay sa iisang villa dahil ibinigay nila ang ikatlong villa kanila Sgt. Pepito, Sgt. Perez at Sgt. Hilario. Ang tatlong sarhento na makakatulong nila sa misyong ito.
"I heard that cough." Saad naman ni Arkady.
"No one's sick, Ark." Sabat ni Leland. "Nasamid lang kami dahil sa sinabi nitong si Mike." Natatawang dugtong ni Leland.
Minsan naiisip niya, paanong naging sundalo itong si Arkady gayung may pagka-germaphobe ito? Napapailing na lang siya.
"Ano naman ang sinabi ni Mikael?" Tanong ni Ishmael. Inilalapag nila Arkady ang meriendang dala-dala mula sa resort kitchen.
"Something about the eldest of the de Santino granddaughter." Sagot ni Leland. Tumikhim si Abner.
"Whoaw!" Sabay na sigaw ni Arkady, Ishmael at Renato. Mabilis na pinalibutan si Abner ng tatlong tsismoso.
"Quite honestly, two summers ago ko pa napapansin ang pagbabago ni Abe." Hirit ni Ishmael. "Hindi na siya laspagin, pa-virgin effect na siya. Ayaw nang makipag-date sa mga chika-babes sa Allen's." Dugtong pa nitong nakakrus ang isang braso sa dibdib habang ang isa at ay nakahawak sa baba, hinihimas ng hintuturo ang baba.
"Hey. I observed that, too. I thought he wasn't just feeling good that time." Sabat naman ni Arkady. "I remember a few times Allen introduced us to a few of his lady friends, it was the first time Abe did not even look at any of them. I understand Leland would do such, but Abe? Nakapagtataka lang." Biglang kambyo sa pananagalog si Arkady.
"Parang sinabi mo na ring masiba ako sa babae?" Inambahan ni Leland si Arkady.
"Well, aren't you? Especially when you are frustrated and mad, you'd rather bang girls." Natatawang sabi ni Arkady.
"Nagsalita ang hindi butakal." Hirit naman Ishmael. Natahimik si Arkady na kikibot-kibot ang bibig nito, naiiling na lang si Leland.
"Akala mo naman siya hindi, eh gigil na gigil ka pa nga kapag nakakita ka malaking headlights eh." Baling ni Renato kay Ishmael.
"Mga gago! Pare-pareho lang tayong butakal." Sabat naman ni Mikael.
"Alam ko. Alam na natin yan yan pero walang tatalo dito kay Dave, habulin ito ng babae eh." Baling ni Arkady pabalik sa kanya.

BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...