LUS 51

255 30 35
                                    





⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Husband's Wrath"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍




GALIT na galit si Abner na umibis mula sa speedboat pagkalapat ng katawan ng bangkasa punton.

"ABE!" Tawag ni Leland dito. Hindi ito lumingon, bagkus ay nagtuloy-tuloy lang sa lobby ng resort. Humabol na lang siya sa kaibigan.

"We'll call you!" Sigaw niya sa naval pilot. "Abe! Wait up!" Sigaw niya. Nakikita na niya kasi na magwawala ito. Hindi dahil si Ysa talaga ang kinuha, dahil si Fiona na itinuring ng nilang lahat na kapati ang kinuha, kinuha.

Lahat sila, mula sa kanya hanggang kay Arkady ay kapatid ang turing sa dalawang dalaga na sinalba nila noon mula sa gang prostitution. Kinupkop nila ang dalawa at tinago para mailayo ang mga ito sa kapahamakan.

Una ay tawag lamang ng obligasyon, pero nung kalaunan ay hindi na. Napalapit na sa kanila ang dalawa, nakikita kasi nila ang mga kapatid na babae sa mga ito. Parehong likas na mababait at may paninindigan.

Nakagawa lang ng hindi maganda dahil sa tawag ng pangangailangan sa buhay at para na rin mapanatiling ligtas ang mga sarili. Ibang klaseng kapit sa patalim ang ginawa ng mga ito mabuhay lang.

"ABE!!!" Sigaw niyang pagtawag sa pangalan ng kaibigan. Hindi man lang ito lumingon. May kadiliman na kaya mas nag-concentrate siya sa dinadaanan.

Nilampasan niya ang lobby na hindi na nag-abala pang tingnan ang mga naroon kung meron ngang tao ang lobby. Basta tumuloy siya ng paghabol kay Abner hanggang sa mawala ito sa likod ng Wendy's Stage.

"Damn it!" Bahagya siyang tumigil. Panandaliang sinanay ang mga mata para makita ang dadaanan nang may tumawag sa kanya. Hindi pa sana niya lilingunin pero nag-alala siya. Ang sabi kasi sa kanila kanina ay pinalikas na rin ang ibang staff ng resort.

"Kap!" Napatigil siya para lingunin kung sino ang tumawag sa kanya. Nagulat siya nang makita ang isa sa mga staff ng resort na may hawak na baril at nakatutok sa kanya.

"Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong niya. Nag-iisip ng pwede niyang gawin para ma-immobilize ang kaharap ng hindi nasasaktan.

"Pasensya na, Kap. Mas malaki ang ibinibigay nila sa akin kesa sa sinusweldo ko dito." Sabi nitong nakangisi. Iniisip niya kung ano ang pangalan nito.

Kahit na anong gawin niya, sumabog man ang utak niya ngayon ay hindi niya maubos maisip kung sino itong kaharap niya ngunit napaka-familiar naman ng mukha nito.

"Ganun ba?" Sabi niya, kalmado lang siya. Tumuwid siya ng tayo at namulsa. "Magkano ba ang bigay nila sa iyo, sana sa akin ka na lang lumapit, kaya ko naman silang pantayan. Pwede ko rin silang lampasan." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis, napaatras ng bahagya ang lalaki.

"A-ano ang ibig mong sabihin?" Tanong nito.

"Mas lalaki pa ba ang maibibigay mo sa akin mulasa sweldo ng isang sundalo? Katulad ko rin, isang kahig at isang tuka ka rin." Dugtong nito. napailing siya.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon