LUS 28

309 38 47
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"City Mall"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"KUYA Dan!" Ang tanging nasabi ni Wendy. Hindi akalain ni Wendy na gagawin ng nakatatandang kapatid yun. Hindi alam ng mga sundalo kung sasali ba sila, aawat o hindi. Nagkatinginan lang ang anim na paris na mga matang nagtatanong.

"That was uncalled for, Maria Teresita! Pamangkin mo yan pero ganyan mo kung magsalita?! Kanina pa ako nandito at nakikinig lang pag-uusap dito. Hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan din pagsalitaan ng panganay mo ang pinsan niya." Malamig pa sa bangkay na nakalagay sa loob ng body freezer ang boses ni Dan.

"Sinasabi ko lang naman kung ano ang totoo, Kuya. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng magkapatid na yan." Turo nito sa dalawang binata.

"Narinig mo rin ba kung paanong kausapin ng dalawa mong anak ang pamangkin mo? Ang mga pinsan nila? No wonder they are like that." Kalmado pa rin nitong sabi.

"My god, Ate Teri! Mag-isip ka nga! Pamangkin mo ang sumalo sa dapat sana ay sa anak mo nangyari. Dapat nga ay maawa kayo kay Gracie, pero eto ka, para kang tangang hindi nag-iisip!" Sabat ng lalaking kararating lang.

"Kuya Ben..." Tawag ni Wendy sa lalaki.

"Pamangkin mo yan, for God's sakes, Ate!" Salita ng tinawag na Kuya Ben. "Ano ba nagn angyayari sa inyong mag-iina?" Dugtong nitong tanong.

"Natural na reaction lang ang ginawa ni Robby at Wenard. Kapatid nila yan. At sigurado ako na kung kay Ysa nangyari yan, mas masahol pa diyan ang magiging reaksyon ng panganay mong may saltik." Dugtong ni Dan.

"Magsitigil kayo!" Saway naman ng lalaking halos kaedad na ni Lolo Gorio.

"Dad!" Tawag ni Wendy dito. Nalito na si Leland. Ayaw na niyang marinig ang mga sasabihin ng lahat. Ibinigay niya si Maribella kay Robby at Wenard.

"Take her to the villa I occupy, to the left room." Utos niya sa dalawang binata sabay abot ng susi sa mga ito. Tumango lang naman ang mga ito at umalis nang karga-karga ang walang malay na kapatid.

"I'm sorry if I may sound disrespectful and before you guys kill each other. Gusto ko lang po na malaman n'yo na nakarating na dito sa isla ang mga tauhan ni Gamboa. Kung ilan sila, kung nasaan sila, kung sino sila ay hindi pa namin sigurado." Seryoso niyang saad. May himig na galit pero hindi naman nakasigaw.

"Ayon na rin sa imbestigasyon namin, ang mga high powered na baril na aming nakalap nung isang linggo sa kweba diyan sa may hilaga ay dala yun dito ng mga tauhan nila. Ilang linggo na rin nilang unti-unting iniimbakan ang isla ng mga armas, which means, they means, they will use force to take over this island."Matiim niyang pahayag. Madaling kausapin ang mga matatanda, itong mga kabataan ang hindi.

"Now, if you guys still want to have an island to go to when things get tough in real life, better start thinking. Hindi nagbibiro ang Cobra X Gang. ang bawat armas na ankuha namin ay nagsasabing dugo ang magiging kabayaran ng islang ito. Kung ilang buhay ang mawawala dahil sa kasakiman ng mga Gamboa at yan ang ayaw kong alamin at ayaw kong makita habang kami ang may hawak ng kasong ito." Diretso at taas noo niyang turan.

Hindi pakiusap ang sinasabi niya, hindi rin utos, kundi mando. Kailangan niyang ilatag ang pinakapangit na maaaring mangyari kung hindi magkakaisa ang mga ito.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon