LUS 62

344 33 18
                                    







⚠️ UNEDITED ⚠️







🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Sleeping Watsinanggo"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍









"BAKIT hindi pa rin siya nagigising, Logan." Naiiyak na sabi ni Maribella.

"Ssshhh. Relax ka lang. Magigising din siya." Hinaplos-haplos ni Logan ang likod niya. Limang araw na ang nakakalipas pero eto pa rin si Leland, wala pa ring malay at natatakot na siya.

Nang ilipat si Leland sa hospital suite na pinili niya, nagkaroon ito ng 24-hours nurse care. Salitan din sila Logan, Iggy, Robby at Dr. Peralta sa pagmo-monitor sa binata.

"Relax?" Tanong niyang puno na pagkapikon. "Limang araw na, tulog pa rin siya. Paano kung na-coma na pala siya?!" Tumaas ang kanyang boses.

"Maribella Grace." Mabilis na saway ng ina. "Kailangang magtaray?" Mataray din nitong dugtong.

"Mom, hindi mo kasi naiintindihan eh. Nakakatakot na maghintay na parang hindi ko alam kung magigising ba siya ngayon o sa susunod na taon! Mom, I just wanted to know kung tulog nga lang ba siya o comatose na siya." Naiyak na lamang siyang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ni Leland.

"Hoy, Maribella, nangyari din yan sa amin ng Daddy mo pero nakayanan naman namin ang lahat. Kaya dapat kayanin mo rin." Mahinahon ngunit may diin na pahayag ni Wendy. Mabilis niya itong nilingon.

Hindi naman sa pagiging bastos o kawalang respeto, Hindi naman siguro pwedeng ikumpara ng Mommy niya ang pinagdaanan nito noon sa ngayon.

"Mom, kayo ang nakahiga. Kayo ang walang malay at halos walang buhay. Kayo ang hinihintay ni Daddy. Hindi niya alam kung magigising pa ba kayo o hindi na, magkaiba yun! Mom, ikaw si Dave, ako si Daddy!" Halos pahisterya niya ng sabi.

"Mahal, tama na. Hayaan mong ilabas ng anak ang emosyon niya." Malumanay na saway ng Daddy niya. "Wala namang ibang mapaglalabasan kundi tayo, kaya wag mo na munang kontrahin." Malumanay pa ring dugtong ng Daddy niya. Mabilis ang lingon ng ina sa kanyang at alam niyang bubuga na naman ng apoy ang dragon ng pamilya nila.

"Richard Gregory..." Panimula ng ina.

"Wendy Grace de Santino." Napalingon siya sa kanyang Tito Dan na bagong dating lang. "Kumalma ka nga. May punto si Greg at may punto rin si Gracie." Mahina ngunit malinaw na sabi ng Tito Dan niya.

"Kuya naman eh, kaya lumalaki ang ulo ng batang yan kasi pinagbibigyan na lang palagi. Mabuti na lang at wala pa dito ang ibang pamilya ni Leland, kundi nakakahiya!" Padabog itong umupo. Iponiksi pa ang mga paa nito, ipinapakitang inis ito.

"Bunso, mas nakakahiya kung pagagalitan mo yang anak mo kung sakaling ngang naririto ang pamilya ni Capt. Scott." Panimula nito sa napakamahinahong pananalita, nakakatakot. "Ang sinasabi ko lang, hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ng mga taong naghihintay sa paggising ng pasyente nila kung hindi mo naman naranasang maghintay sa paggising nito, mag-aalala kung magigising pa ba ito at matakot na baka hindi na ito gumising." Dugtong nito.

Kilala niya ang kanyang Tito Dan sa pagiging kalmado kahit na sitwasyon ay hindi. Ni minsan ay hindi niya ito narinigan na napikon o nagalit.

Sinulyapan niya ang kanyang Daddy, salubong ang mga kilay nito, halatang galit na ito, kung kanino, hindi niya sigurado.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon