LUS 68

226 33 26
                                    







⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Awakening"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍











"ALEXA..." Itinaas nito ang kamay kaya hindi niya natuloy ang sasabihin. Ayos na rin yung ginawa ni Alexa, hindi rin naman niya alam ang idudugtong pagsambit ng pangalan nito.

"Let me finish." Sabi nito. Mahina siyang tumango at humarap ng ganap sa dalaga.

"First, do not ever... EVER look down on yourself. You have a lot of things in you that none of the other girls, even me, have." Panimula nito. Wala naman siyang pwedeng masabi kundi ang makinig lang kaya yun ang gagawin niya.

"Alam ko ang kwento mo. I'm sorry, naikwento sa akin ni Iggy ang nangyari sa iyo years ago, I hope you didn't mind." Pinid ang kanyang mga labing umiling.

"Sa tapang lang, wala ako noon, matapang lang ako sa tatlong yan. Kung sa akin siguro nangyari ang bagay na yun, baka nabaliw na ako." Sabi nitong bahagyang natawa. "Sa tatag naman, walang-wala ako nun. I crumble with the slightest test and stress. I shake, I cave in, I run away. Mabuti na lang at nandiyan ang Kuya Aldrin ko, si Mommy at Daddy, nandiyan din si Ate Maelee, they get my feet grounded." Patuloy itong natatawa sa sarili. Para siyang nahigop sa ganda ng ngiti nito.

Naisip niya tuloy, ito ang ngiting hinahabol at hinahangad ng mga lalaki sa isang babae... nalungkot siya dahil wala siya nun.

"Tama ka, bata pa lang magkakakilala na kami. Bago pa naging mag-asawa ang mga kapatid namin, kilala ko na sila sa school pa lang but we never... I never see them the way other girls in school see them. They are known as the T³ - Trouble 3. Malakas silang mang-prank noon. Wala silang sinasanto kahit na mga teacher. They never hurt anybody though, but it was annoying and I was beyond annoyed seeing their shadows, hearing their voices, let alone their faces. Nadismaya nga ako nung malaman ko na yung dalawa kong kapatid ang mapapangasawa ng mga kapatid nila, I will see them a lot. I complained to my Dad, my Mom, and to my grandparents, but they just smiled at me." Naiiling nitong salaysay. Gusto niyang matawa sa hitsura ni Alexa. Naakangiwi ito na parang nandidiri. Nai-imagine niya tuloy ang pagkadisgusto nito sa tatlo.

"Nung mabalitaan kung nagkahiwalay si Ate Maelee at Kuya Ethan to give way for Kuya Aldrin and Ate Brynn, natuwa ako, at least isang kapatid ko na lang ang iisipin ko. I was overjoyed that time napapunta tuloy ako ng Singapore para mag-shopping kasama ng Tita Allyn ko." Magaan nitong salaysay, naiiling.

"Habang nasa Singapore kami ni Tita Allyn, nabalitaan na lang namin mula kay Tito Alric na nagkahiwalay din sila Ate Brynn at Kuya Aldrin. Nung una natuwa ako. Sabi ko, sa wakas, tapos na ang dilemma ko, hindi ko na makikita ang tatlong itlog na yan pag walang school." Sabi nitong iiling-iling pa.

"Oh boy, I was dead wrong. Bakit? Dahil yang tatlong yan, kahit na ubod ng kulit at sobrang gulo nila at kahit ganyan yang mga yan, sobra-sobra silang magmahal sa pamilya nila, sa mga taong importante sa kanila. Simple nilang ginawan ng paraan para magkaayos ang mga Ate at Kuya namin. I actually felt embarrassed, annoyed, ashamed and irritated, all at the same time. But I am a Richards, I can't show embarrassment, I can't be ashamed but I know for a fact that Scott was angry at me but his triplets took it as we have a thing and continued teasing us whenever they got the chance." Mahabang kwento ni Alexa, mataman lang siya nakikinig. Nakaramdam tuloy siya ng pagkapahiya sa inasal. 

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon