LUS 53

253 34 24
                                    







⚠️ UNEDITED ⚠️



🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Kaba. Takot."

🤍🤍🤍🤍🤍🤍











HABANG nakaupo at nagmamanman si Leland sa taas ng puno, masusi niyang sinusuri ang karagatan sa hindi kalayuan. Nakikita niya ang kabuuan ng laot, mula sa dalawang yateng ilang linggo na ring nakatambay hanggang sa maliliit na bangkang pangingisda.

Sa loob ng pangalawang yate, maliwanag at malinaw niyang nakikita ang katangahan ng mga sakay nito.

Napahugot siya ng malalim at nanggigigil na paghinga sa nakikita. Tama nga siya, naririto pa ang mga ito, at malamang pa sa alamang, hindi pa nailalayo ng mga ito ang kaibigang si Fiona.

Nakaramdam siya ng poot nang makita itong nakaupo at nakayukyok sa sahig ng yate, nakatali.

Hindi siya sigurado kung ano na ang nagawa ng mga halang ang bitukang ito sa dalaga, pero isa lang ang sigurado siya, kukunin nila si Fiona kahit na magkapatayan pa. No man left behind. Pinundot ang earpiece at nagsalita.

"Men! I know what to do." Sabi niya, matiim, gigil at galit.

"What's your 20?" Tanong ni Abner sa kabila.

"Monkeying around." Sagot niya. Natawa ang mga kaibigan sa sagot niya.

Sinipat ang ibaba ng puno, tiningnan kung may iba bang sanga na maaari niyang sabitan kung sakaling tatalon siya. Nang walang makita ay tinantiya ang distansya ng lupa mula sa kanyang kinauupuan, napangiti siya.

"Kayang-kaya yan, Scott." Bubulong-bulong niyang sabi.

Isinukbit ng maayos ang kanyang M16 pabalagbag sa likod. Itinulak ang sarili ng bahagyang palayo sa sanga at pabulusok siyang nagpatihulog. Binalanse ang buong bigat ng katawan sa kanyang balikat para hindi mabigat sa balakang, hita at binti, lalong-lalo na sa paa at paluhod na lumapat ang sarili sa lupa.

Superhero landing. Napangiti siya nang maalala niya ang sinabi ng bida ng kanyang paboritong pelikula na Deadpool patungkol sa kontrabidang babae nang bumagsak ito sa harapan nila Deadpool, Colossus and Negasonic..

"Special Agent, nasaan ka ba?" Napautol ang kanyang pag-i-imagine sa paboritong pelikula. Napailing siya nang marinig ang boses ni Logan sa kanyang earpiece.

"You are such an idiot, Wolverine." Dinig niya ang inis sa boses ni Lance.

"Sino ang magaling na nagbigay ng earpiece sa siraulong yan? Babarilin ko." Seryoso niyang tanong ngunit may malapad na ngiti.

Kung nakikita lang sana siya ng mga kapatid ngayon, paniguradong may batukan na namang mangyayari. Tinakot

"'Tado ka!" Sigaw ni Logan sa kabila kaya mabilis niyang inalis ang kanyang earpiece. Pakiramdam niya nabasag ang kanyang eardrum. Mabilis din naman niyang ibinalik yun.

"Tumahimik ka, Wolverine! Para kang babae kung makatili, talo mo pa si Lotti!" Bwelta niya sa kapatid.

"Logan, shut up!" Narinig niyang sayaw ni Lance kay Logan, napangiti siya. Nakalimutan niya talagang kahit na nandito ang makulit na si Logan, kasama rin naman nila si Lance, kaya balanse lang.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon