LUS 5

272 37 24
                                    

⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Safety Blanket"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍











TATLONG mahahaba at mabagal na taon na rin ang lumipas simula nang mangyari ang nakakatakot na parte ng buhay ni Maribella Grace de Santino, nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Wendy Grace at Richard Gregory de Santino.

"Ate Gracie!" Tawag ni Malia sa kanya, pangalawang anak ito ng Tito Isko niya, pinsan ng kanyang Daddy. Kapatid naman ito ni Mayette at Maru at bunso sa tatlong magkakapatid na babae.

"Hi, Malia. Kanina pa ba kayo?" Malambing niyang tanong dito.

"We just arrived po." Nakangiting sagot ni Malia na labas ang pantay at mapuputing ipin nito.

"Nasaan na sila Tito Isko?" Tanong niya dito.

Ang Tito Isko niya ang kinalakihan nilang magkakapatid dahil mas lamang na nandito sila sa isla kesa sa Cebu o Davao.

"Hi, Ate Gracie." Bati naman ng isa pa niyang pinsan.

"Hi, Amia." Malambing niya itong binati. Gumanti naman ng ngiti ang pinsan.

Si Cara Amia naman ay pangalawang anak ng Tita Angel at Tito Dan niya na kapatid ni D'angelo at Angel Rose, parehong kapatid ng kanyang Mommy at Daddy.

"Gracie, you're wearing that jacket again?" Biglang sulpot na sabi ni Vivian. Parang hindi nito alam ang history ng jacket niya. Napangiti lang siya.

Si Vivian Lily, Vivian kung tawagin, ay anak ng Tito Jessie at Tito George niya, kapatid naman nito si Jessica Rose, Jessi kung tawagin nila.

"Safety blanket, Ate Viv." Nakabungisngis na sabat ni Amia. Inambahan niya ito ng kurot. Umiwas itong tatawa-tawa.

"Hi, Viv." Bati niya sa nakakunot na noong bff/pinsan sa mababa at mapaglarong tinig.

"Hi ka diyan." Saad naman nito sabay irap. Natawa siya.

"Tara na, umpisahan na natin ito bago pa magwala si Daddy." Sabi niyang tatawa-tawa para mailayo sa jacket ang topic.

Simula kasi ng mapasakanya ang jacket na ito ay naging tampulan na ng tuksuhan ng mga pinsan at kapatid. Hindi naman siya napipikon dahil wala namang dapat na ikapikon. Natutuwa pa nga siya dahil parang nakakatulong sa kanyang pagkalimot sa nangyari noon.

"Huy! Kayong apat, tama na yang daldalan na yan! Trabaho muna!" Sabay pa silang napalingon sa bagong dating.

Anibersaryo ng mga magulang niya ngayon at gustong surpresahin ng Daddy niya ang Mommy niya. Para magawa yun ay kailangan nitong dalhin ang asawa sa Tagbilaran at iiwan sa kanya ang pagiging punong-abala sa okasyon na ito. 

Ayos lang naman yun sa kanya. Ikinatutuwa pa nga niya dahil maliban sa medyo matumal pa ang reservation sa isla ay may pinagkakaabalahan sila.

"Tita Jane! Tito Sonny!" Sigaw nilang apat, sabay takbo sa dalawa para yakapin ang mga ito.

Nakasunod sa mag-asawa ang mga anak nitong sila Brandi Elise, Harrison John at Traci Nicole.

"Hala siya. Sila Daddy at Mommy lang ang binati? Mga bruhang ito. Paano naman ako?"As usual, mataray na may halong pagtatampong bungad ni Brandi, natawa siya. Isang kembot na nga lang daw at abogado na ito.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon