⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Elevator"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
MASYADONG masaya ang puso ni Leland dahil maganang kumakain si Maribella ngayon. tuwang-tuwa si Lance at Logan na makitang masigla na ang hipag ngayon at kumakain na. Natuwa talaga si Leland dahil ang balita sa kanya ay taliwas sa ginagawa ng asawa ngayon.
Nagkatinginan silang magkapatid. Yumukod siya sa mga ito ngunit sinalubong siya ng mga pilyong ngiti na namutawi sa labi ni Logan, nagtaas ng kilay si Leland, napapailing naman si Lance.
Pinaningkitan ng mga mata ni Leland si Lance na ang ibig sabihin ay 'tumahimik ka at tatamaan ka s akin!'. Bahagyang nagkibit-balikat lang si Lance na parang sinasabing, 'yeah, sure. I'm scared.'. Yumugyog ng mahina ang balikat ni Logan sa pagtawa na parang sinasabing, 'Ano ka ngayon? Butata pa more.'.
Muli siyang bumato ng nakamamatay na tingin sa mga kapatid. Sabay naman na nagtaas ng kamay ang mga ito, tahimik na tumatawa. Kung wala lang talaga si Maribella ay sinugod na niya ng sapak ang dalawang hudyo na nasa harapan nila ngayon.
"Nag-aasaran na naman ba kayong tatlo?" Pagtataray ng bagong dating. "Kayong dalawa naman, kagigising lang niyang kapatid n'yo ay pinagtutulungan n'yo na." Dugtong nitong nakataas ang isang kilay. Nagkatinginan silang tatlo. Parehong natahimik si Lance at Logan, tupi sa mga asawa nila. Lihim lang na ngumisi si Leland, wagi.
"Hi, kaila. Hello, Jaise." Bati niyang sa mga hipag.
"Hi, Sweetheart." Bati ni Lance sa asawa bago humalik dito.
"Hi, Mack." Masiglang bati ni Logan sa asawa nang makabawi na. Tumayo ito, humalik sa labi ni Makai, maingat na iginiya palapit sa lamesa kung saan sila nagkukumpulan at ipinaghila ng upuan.
"Mack??/Mack?!" Sabay na pag-ulit ni Leland at Lance sa pagtawag ni Logan sa asawa, nagkatinginan pa silang dalawa.
"Since when?" Nakataas ang kilay na tanong ni Lance. "Ano yan? Tropa-tropa lang?" Hindi siya sinagot ni Logan. Ngumisi lang ito at umupo sa tabi ng asawa.
"Hi, Gracie." Bati ni Makai kay Maribella, hindi pinansin ang patustsada niya.
"Hello, Gracie." Bati rin ng nakasunod dito. Kumaway si Maribella sa dalawa, hindi makapagsalita. Timing naman kasi na kasusubo lang nito ng pagkain.
"Ate Kris, nagdala kami ng sobrang pagkain para sa ating lahat." Narinig ni Leland na sabi ni Majz sa kasama nila sa kwarto. Tahimik lang itong ngumiti at kumaway.
"Sige lang po, Ma'am, nakakain na po ako." SAgot naman nito. Nakita nga nila ang pinagbalutan ng pagkaing napili.
"Ate, simula po ngayon may magdadala na ang pagkain para sa inyo ni Tatang hanggang sa makalabas kayo dito."
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...