LUS 30

265 40 47
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Be Thankful"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"ROBBY - Tito Evan, Tito Evan - Emily Ann, Emily Ann - Robby? Ring a bell?" Nakalahad pa ang dalawang kamay ni Brandi na parang naghihintay na may mahuhulog dito para saluin.

"Ay sus. Ano ang koneksyon nun kay Kuya Robby?" Nakataas ang isang kilay nitong saad. "Akala n'yo lang meron pero wala. Wala. Wala!" Pag-iinarte pa nitong sigaw. Natawa silang lahat.

"Fine! Wala na kung wala, tanong ko, me balita ba?" Tanong ni Mayette. Ayaw talagang bitawan ng mga ito ang isang topic hangga't hindi nakukuhanan ng kasagutan.

"Wala. Walang balita." Sabi ni Amia sabay halukipkip at simangot.

"Kita mo 'to. Hoy! Pinsan mo pa rin yun, gaga." Singhal ni Mayette dito. Ngumuso lang ito at mas lalong umakap kay Maribella.

"Ma'no naman kung pinsan ko rin siya?" Mataray nitong tanong. Napailing na lang si MAribella. Halata sa nakababatang pinsan ang inis sa dalagang pinag-uusapan, napailing na rin isla Brandi, Mayette at Vivian.

"Teka, nung huli kong nakausap si Mama, ang sabi eh pipilitin daw na mag-summer nila Tito Evan at Tita Lelin dito uli katulad ng dati." Si Brandi ang sumagot. "Nakausap din ni John-John si Emily Ann three weeks ago." Dugtong pa nito. Nagkatinginan ang magpipinsan.

"Ano ba talaga ang score ng dalawang yan?" Tanong ni Mayette.

"Ewan ko ba, pero sa tingin ko, Robby is not really into Emz. Naawa lang ang kapatid ko at ayaw na mapahamak ito." Matapat na sagot ni Maribella.

"At ikaw ang napahamak." Hindi napigil ni Brandi ang bibig dahil sa inis na nararamdaman.

"Tingin ko nga napilitan lang ang ka-triplet namin dahil wala siyang ibang choice." Sabat ni Wenard, nasa likod na pala nila ito, binalewala ang komento ni Brandi.

"Oh, Wen. Good that you are here. Pwede bang ikaw na lang ang bahala sa menu? Paki bigay na lang kay Manong. Pasabihan na rin si Manang Nene na magpadala ng tao sa Ubay para madagdagan ang supply natin dito. Tanungin mo na rin si Lola o di kaya si Mommy kung may additional dishes pa silang gustong ipaluto." Natahimik ang mga pinsang babae. Business is business pagdating sa magka-triplets na ito kaya

"Isasama ko si Lyle pa-Ubay mamayang hapon para mas maaga kaming makakuha ng mga gulay na bagong bagsak bukas ng umaga." Pahayag ni Wenard sa kanya. "Ay siyanga pala, May bagong kakilala daw ang Tita Didi, gulay at prutas at mukhang mura ng bahagya kesa sa dati nating kinukuhahan." Dugtong nito. Nagtaas siya ng kilay.

"Baka ngayon lang yan magaling, Wen, tapos katagalan eh pangit na ang mga produkto niya at magiging mahal pa. Ayokong umalis sa dati nating suki kahit may kamahalan na ang paninda niya." Pinagkrus niya ang braso sa harap ng dibdib, nag-isip. "Subukan n'yo muna kahit kalahati lang ng mga supply ang kunin sa kanya tapos doon sa dati ay kalahati din." Pahayag niya. Tumango si Wenard.

"Eh paano sa karne?" Tanong ni Wenard.

"Bakit? Anong nangyari sa pinagkukunan natin ng karne?" Nag-aalala siya. "Naku. wag naman sana ngayon pa." Natawa si Wenard.

"Gago 'to. Pakakabahin mo pa si Bella Grace dahil diyan sa kadramahan mo." Suntok ni Robby sa ka-triplet. Tumawa itong hinihimas ang brasong nasuntok.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon