Otor's nowt: I am so sorry. Akala ko na-upload ko na itong chapter update na ito, hindi pala. Sobrang pagod at antok, mabuti na lang at nai-save ko siya. Sorry po uli. Alam kong inaabangan n'yo ito. Pasensiya na rin po sa sabaw na update. Hehehe. Thank you, mga labs
⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Pirma"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"ANONG balita?" Tanong ni Wenard sa pinsang tumawag sa kanya.
"Ewan ko nga Kuya eh." Naiiyak na sagot ni Amia. "Ang alam ko lang, dumating kami kaninang madaling araw, umakyat kami sa malaking bahay at natulog na. Tapos kaninang umagang-umaga, nagising kami sa tunog ng malalakas putok. Nagsibangon kami syempre, nakiosyoso." Patuloy nito na pinutol niya.
"Sandali, nagpuputukan na, nakiusyoso pa kayo?!" Galit niyang bigkas. "Malilintikan talaga kayo sa akin pagbalik ko diyan sa isla!" Singhal nito sa cellphone. Nanggigigil siya sa pagiging Maritess ng mga pinsang makukulit.
"Ano daw'ng nangyari? May barilan uli sa isla?" Naalertong tanong ni Robby.
"Ssshh! Wag ka kasi munang maingay." Saway naman ni sa kapatid.
"Si Kuya Wen, ang OA." Iritadong wika ni Amia sa kabilang linya. "Hindi kami ganun ka-Maritess para tumakbo doon at makiusyoso. Dito lang kami sa bintana sa kwarto n'yo ni Kuya Robby. We can see everything from here kaya." Dugtong nitong paliwanag. Nakaihnga ng maluwag si Wenard sa paliwanag ng pinsan.
Tsaka pa lang niya naisip ang kwarto nila ni Robby. Pinagpala nga pala nga itong nakaharap sa dalampasigan at sa kung anong klaseng pwersa, walang sanga ng kahit na anong puno sa paligid ng malaking bahay ang humarang o tumabon man lang sa bintana nito kaya busog at sagana sa tanawin sila Robby at Wenard habang lumalaki.
Bagay na inayawan ng kapatid nilang si Maribella dahil mas gusto nitong nakaharap ang kwarto sa punton kung saan bata pa lang ay natutuwa na itong makakita ng mga bakasyunistang dumarating araw-araw. Ang kwarto ni Maribella at bahagyang nakaharap sa Silangan kung saan nakikita ng kapatid ang pagsibol ng araw, kombinasyon na gustong-gusto ng kapatid nila na ayaw naman nilang dalawa ni Robby.
"Ano ang nangyari?" Tanong niya uli nang masigurong hindi nga lumusob ang mga pinsan sa putukan.
"Hindi ko sigurado. Sandali, tawagin ko muna si Ate Ysa, paparating siya kasama yung mga sundalo." Pahayag naman nito. "ATE YSA! GUSTO KA RAW MAKAUSAP NI KUYA WENARD!" Tumunog na ng sirena ng isla sa katauhan ng iskandalosa nilang pinsan, si Skyla.
"Nasaan ang Ate Gracie mo?" Tanong ni Robby, inagaw nito ang cellphone sa kanya. "Anong hindi mo alam?! Akala ko ba magkasama kayo?!" Pasigaw na nitong pagkausap sa pinsan.
"Akin na nga yang cellphone ko. Talo mo pa sila Mommy at Daddy kung mataranta. Nandiyan lang yan." Patuloy niyang pagsermon sa kapatid na di niya mawari.
"Nagtatanong lang eh." Sabi naman ni Robby na may himig ng pagmamaktol.
"Arte mo, Robby Gregory!" Singhal ni Wenard sa ka-triplet, Inambahan pa niya ito ng pagsiko.
"Sipain kaya kita, Wenard Gregory?!" Sagot naman nito na ikinabungisngis ni Skyla at Amia sa kabilang linya.
"Wen? Rob? Nagtatalo kayo? Bakit?" Bungad na tanong ni Ysa, seryoso. Nakaramdam siya ng biglang pagkaba sa himig ng boses ni Ysa. Parang may kakaiba.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Storie d'amore⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...