LUS 67

202 31 25
                                    







⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Tiwala"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍









BAGO pa ang pag-uusap ni Leland at mga magulang ni Maribella, ito ang nangyari.

"Capt. Scott?" Tawag ni Ysa mula sa pinto. Mabilis ang paglingon ni Leland sa kanila.

Nakatayo silang apat sa harap ni Leland; siya, si Mayette, Vivian at Brandi. Kita sa mukha nito pagharap sa kanila ang pagkalito marahil sa inasal ng kanyang pinsan.

"Kami na ang kakausap sa kanya, Kap." Malumanay na sabi ni Brandi.

"What's going on?" Tanong nitong naguguluhan.

Yan din ang tanong niya sa sarili. Sino ba ang hindi maguguluhan kay Maribella? Sala ito sa init, sala sa lamig. Ang alam ni Ysa ay okay ito kanina pero iba na ngayon. Ano nga ba ang nangyari?

"Well, hindi namin alam kung alam mo na o hindi pa."
Panimula ni Vivian, tumingin ito kay Mayette. "She's going through a roller coaster of emotions." Paingles nitong dugtong.

"Naks! Umi-english na ang ale." Natatawang tukso ni Mayette.

"Huh?" Napakunot ang noo ni Leland. Nakikita ni Usa ang pagkalito dito, napangiti siya.

"Hormones, Kap. Hormones." Maagap na sagot ni Brandi na ikinahagikhik ni Vivian. Pagkunot ng noo lang ang naisagot ni Leland. Hindi yata talaga nito naiintindihan ang tinutumbok nilang magpipinsan.

"Kap, baka may buwanang dalaw kaya emotional." Pagbibiro ni Vivian.

"Doon ka na muna sa mga kasamahan mo. Kita na lang tayo sa resto mamaya." Sabi ni Ysa sabay bahagyang hila dito patayo at marahang tulak palabas ng pinto.

"Wag kang mag-alala, kami ang tutuwid sa utak nitong baluktot." Nakangising sabi ni Mayette.

"You what?!" Mataas ang boses na tanong ni Leland. Nag-peace sign si Mayette.

"Kalmate, Kap. Biro lang." Mabilis nitong awat kay Leland na hindi na yata gumagana ang utak.

"Umayos ka nga, Maria Violeta!" May kataasan ng boses na saway ni Ysa sa pasaway na pinsan. Nakangising nag-peace sign si Mayette, tumatawa lang ang dalawang pinsan nila.

"Paki paipon na lang ng lahat ng mga kasamahan mo kay Abe, pati na rin ng mga kapatid mo. Sabay-sabay na daw tayong kakain sabi ni Lola Sol." Pagpapatuloy ni Ysa na kay Leland na nakaharap.

"Mi Bella, we will talk." Matipid na sabi ni Leland. Mahina namang tumango si Maribella.

Nang makaalis na si Leland ay hinarap ni Ysa ang pinsan.

"Maribella Grace? Is there anything you want to explain to us?" Nakahalukipkip siya, sa harap nito salubong ang mga kilay. Hindi siya galit, gusto niya lang ipakita sa nakababatang pinsan na seryoso siya.

"Di ba sinabi ko na sa iyo dati pa? Kung may gumugulo diyan sa isip mo, sabihin mo sa amin para natutulungan ka naming mag-isip." Patuloy noyang pagkausap dito, laglag ang balikat ng pinsan. Nakita niya ang pagsuko ni Maribella. Bahagya siyang napangiti.

"Sabi ko na nga ba eh." Sabat ni Brandi.

"Ay ako rin. Alam ko na yan ganyang galawan ni Gracie." Sambit na sabi ni Vivian.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon