⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Tinamaan"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"MOMMY!" Sigaw nito na ubod lapad ng ngiti. Kita ang maliliit at mapuputing ipin nito. Sabay na tumayo si Ysa at Abner.
"Siya ba?" Tanong ni Abner. Ngumiti at tumango si Ysa, nangingilid ang mga luha.
"Mommy?! Kaninong anak yan?!" Napatayong tanong ni Teri. Hindi ito pinansin ni Ysa. Lumapit ito sa bata at kinuha sa babae.
"Guys, this is Able Nero Garcia and soon to be Tolentino." Pakilala ni Ysa sa anak, halatang kinakabahan. Tumayo si Abner, kinakabahan.
"Ysabella Mari! Care to explain?!" Sigaw ni Teri. Nagulat yata ang bata lumingon ito sa babaeng may karga dito, tumibi ito at nagbabadyang umiyak. Nilingon si Ysa, nagpapaawa. Maingat at inaalong inilayo ng babae ang bata sa kanila.
"Mom, I will explain it all to you, but I need you to calm down."Maingat at malumanay na sabi nito sa ina kahit halatang pinipilit na ikalma ang sarili. "Do not yell, do not raise your voice, do not curse. You are scaring my son." Dugtong na sabi ni Ysa, matiin na nakakatitig sa mata ng ina.
Tiger mode. Naisip noMaribella. Dito napapatunayan na kapag nakanti ang anak, nagiging tigre talaga ang ina. Parang ang mommy niya, ang Lola niya at lahat ng ina sa pamilya nila, maging ang Tita Teri niya.
"Mom, I don't think this is the right time for this but shouldn't you be happy na may apo ka na?" Sabat ni Iggy, nakangiti ito sa galit na aura ng ina.
Tumayo si Teri na hindi nagsasalita at umalis. Hindi naman natinag ang Tito Luigi at hindi rin pinigilan ang Tita Teri niya. Ni wala yata itong planong sundan ang asawa.
"Luigi, nakaya mo yun?" Tanong ng kapatid nitong si Angel, ngingiti-ngiti.
"Pahinga muna ako, Teh. Nakakapagod na eh." Sagot naman ni Luigi na nasa bata nakatingin. "Ysabella, tawagin mo yung kasama mo, dalhin 'kamo dito ang apo ko." Pautos na dugtong nito. Nag-alangan man, tumango at tinawag ni Ysa ang kasama ng anak.
"Rina, paki dala dito si Nero." Tawag niya sa kaibigan na palaging nandiyan para sa kanila ni Able Nero. "Akin na ang bata, kumain ka na muna." Utos niya dito bago kinuha ang anak.
Humugot muna ito ng malalim na paghinga tsaka humarap sa ama na karga ang cute na batang gustong panggigilan ni Maribella.
Maingat na lumapit ang dalawa sa Tito Luigi niya, pigil ang hininga ng lahat na tahimik lang na nakamasid, nakikiramdam. Mapapansing nasa dulo ng upuan nito ang pinsang si Iggy, nakaantabay lang naman ito sa kapatid at pamangkin.
"Dad, sorry po." Malungkot niyang sabi ni Ysa sa ama bago ibinigay si Nero. Ngumiti si Luigi sa kanya ng matamis.
"It's okay, nak. Ganun talaga ang buhay. But I am happy at mukhang malusog na malusog naman itong apo ko ah. Hindi mo napabayaan." Sabi nito na nasa apo ang buong atensyon, magaang na nakangiti at nagpapangiwi-ngiwi ang apo. Halatang pilit na pinangingiti ang nangingilalang bata.
Magaan at maingat na pinisil nito ang magkabilang pisngi ng apo. Biglay ay humagikhik si Able Nero, nagkatinginan sila ni Iggy at Abner, parehong nagulat, maya-maya ay ngumiti na rin.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...