LUS 37

275 37 53
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Gracie"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍




"LABAS!" Singhal niya sa dalawang lalaki. Isang masigabong litanya pa sana ang ibubuga niya sa dalawang kaibigang paalis nang muling marinig si Maribella.

"D-dave." Nabalik ang isip niya sa babaeng kasama. Nice, Leland. You neglected her already! Singhal niya sa sarili.

"Yes, my love." Nagtaas ng tingin si Maribella, diretso sa mga mata niya. Titig na titig ito para tuloy siyang matutunaw.

"N-natatakot a-ako." Nakayuko nitong turan. Napabuga ng hangin si D'angelo.

"Ikaw lang talaga ang makakapagpakalma sa kanya, Dave." Mahinang sabi ni D'angelo. "Dito ka na lang. Siya na lang muna ang asikasuhin mo. Like what was said earlier, kami na ang bahala sa labas." Dugtong nito. Disgusto siya sa mga naririnig pero tama nga ang mga ito.

Wala rin naman siyang magagawa doon kapag iniwanan niya ang dalaga dahil mas iisipin niya kung ano na ang nangyayari dito. Kaya mas mabuting siya na lang ang magbantay dito dahil sigurado pa siyang ligtas ito kesa iwan niya at pabantayan sa iba.

"I get it." Sabi niya sabay wasiwas ng kamay, pinapaalis na ang mga ito. "Siya sige! Layas na kayo!" Dugtong niya. Tumawa lang ang dalawang baliw habang si Amia ay nakaupo sa tabi ni Maribella.

Nilingon niya si Maribella, humihikbi pa rin ito. Ayan na naman ang nararamdaman niyang galit. Natatakot siya kasi baka malunod na siya sa damdaming ito at hindi na nakaahon pa. Baka matuluyan na siyang mabaliw at maging mass murderer pa siya.

"My love, are you okay?" Tanong niya dito nang makaupo na siya sa tabi ng dalaga. Titig na titig ito sa kanya na parang tulala, kinabahan siya.

Nilingon niya si D'angelo na kita rin ang pag-aalala sa mukha para sa pinsan.

"Ate Gracie." Tawag ni Amia sa pinsan. Binitawan ni Mikael ang ginagawa at hinarap sila nito.

"Maribella?" Tawag ni Mikael. Hindi naman kumibo si Maribella. Tiningala ni Mikael si D'angelo. "Kailangan ko bang tawagin si Ishmael?" Dugtong nitong tanong na walang pinatutukyan.

"No. Don't call anyone. I can handle her." Madiin ngunit may lambing niyang sabi. "Just go." Utos niya sa dalawa.

Nagkatinginan uli ang dalawang binata, wala namang kibong lumabas ng villa hila-hila ni D'angelo ang kapatid, nakasunod naman si Mikael.

"Naiintindihan kita, Dave." Saad ni D'angelo. "Pero siguro kailangan din niya ang mga kaibigan niya. Hindi sa ano pa man, matagal na rin silang hindi nagkakausap ng mga pinsan niya and they are very worried about her." Hindi kumibo si Leland sa sinabi ni D'angelo.

Nag-iisip siya ng isaasgot ngunit wala siyang maisip na pwede niyang isagot sa pinsan ng dalaga na kaibigan niya rin. Tumango na lamang siya bilang sagot.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon