LUS 47

224 36 35
                                    

⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Able"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍








AYON sa kalkulasyon ni Leland, makakarating sila ng Tagbilaran ng mga bandang tanghali kahit madaling-araw pa lang ay umalis na sila ng resort.

Una, dadaan pa sila sa bahay ng Tito Isko at Tita Didi nila Maribella para ipaalam sa mga ito ang mga kaganapan sa isla, at para na rin manghiram ng magagamit na sasakyan.

Ang Tito Isko na ni Maribella ang namamahala ng mga sasakyang pangkalsada na ginagamit sa pagsundo ng mga bakasyunista ng resort, ng mga lantsa para magpabalik-balik sa resort at sa pang personal na rin na biyahe.

Ang Tito Kiko rin ng mga ito ang naghahanap at nag-i-schedule ng mga driver na susundo sa mga bakasyunista at ito rin ang may hawak at pumipili ng pump boat operators.

Nagpaalam sila matapos ang ilang oras na pakikipag-usap sa mga ito dahil kung hindi ay aabutan sila ng hapon bago pa makarating sila sa siyudad.

Hindi rin kasi pumayag ang Tita Didi ng dalawang dalaga na hindi muna sila magkape kahit na nakakain na sila bago pa umalis ng resort.

Bente minutos na ang nakalipas sa kanilang biyahe nang masulyapan ni Abner mula sa rear view mirror ang dalawang pasahero sa likod, parehong tulog.

"They must be tired and lacking sleep." Komento nito na nagpalingon kay Leland sa kaibigan. Si Abner ang nagmamaneho.

"Did you say something?" Tanong ni Leland. Ukupado ang isip niya sa ibang planong naglalaro dito. Bago pa makasagot si Abner ay tumunog ang cellphone niya. Mabilis niya itong sinagot nang makita ang pangalan na koronel.

"Go straight to the PNP Regional Headquarter. You can pick up the file that you asked for from Chief Rocha. All you need are signatures." Mabilis na sabi ni Col. Escalera. "I have to go. I have a meeting with the Chief of Defense." Dugtong nito, napangiti siya.

"Thanks, Coronel. We owe you." Mabilis niyang sagot. Nag-goodbye lang ito at nagpatay na kaagad siya ng tawag.

"Abe, diretso tayo kay Chief Rocha." Mabilis ang paglingon ni Abner sa kanya at mabilis ding ibinalik sa kalsada ang mga mata.

"Bakit?" Tanong nito sa kanya, nagtataka.

"May kukunin lang akong papeles na kailangang mapirmahan ngayon din." Napakunot ang noo ni Abner, nagtatanong ang mga tingin nito, ngumiti lang siya.

"Dave, why do I have an eerie feeling about this?" Naiiling na tanong ni Abner kahit na nasa kalsada ang mga mata nito.

"Relax. It's nothing that we can't handle." Sabi niya sa kaibigan, pagkatapos ay nilingon sila Maribella at Ysa na tahimik na natutulog.

"She still hasn't spoken to you?" Tanong niya kay Abner. Umiling ito.

"No. But I already made my move." Makahulugang sagot nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong niya. Kunwari ay hindi alam ang takbo ng utak ng kaibigan.

"Basta." Simple nitong salita. Ibig sabihin, drop the conversation and wait.

"Ikaw ang bahala. Basta narito lang kami kung kakailanganin mo ang tulong." Tinapik ni Leland ang kanang balikat ni Abner. Ngumiti lang ito ng bahagya at tahimik na itinutok ang mata sa kalsada.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon