🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Babies"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
ILANG taon na rin ang lumipas, masayang nakaupo si Leland sa isang lounge chair sa harap ng kanilang maliit na bungalow sa isla, habang pinanonood ang kanyang asawa at dalawang anak na naglalaro sa buhanginan malapit sa dalampasigan.
Hindi man kalakihan ang bahay nila masaya naman siya dahil puno ito ng tanim sa paligid na puro paboritong lahat ni Maribella.
Sa loob ng kanilang bungalow, na kung tawagin ni Amia ay munting mansyon, ay may apat na katamtamang laki na mga kwarto; isa kanilang mag-asawa, isa sa anak nilng lalaki, isa sa kanilang anak na babae at ang isa ay pinaka opisina niya. May kaluwagan na salas, eksaktong laking kusina at banyo na his and hers and kids. Napangiti siya. Kuntento na siya sa buhay niya.
Natutuwa siyang hindi magarbo si Maribella sa buhay pero naiinis din siya ng bahagya dahil hindi niya maibigay dito ang magagarbong regalo na palagi niyang pinaplano, lalo na't napupunta siya sa ibang bansa para makipagkita sa mga kliyente niya.
Minsan niyang pinilit si Maribella na palakihan ang bahay na ito pero nahulog lang ang usapan sa pagtatalo na hinayaan rin niyang ipatalo na lang kahit na may punto pa siya. Ang resulta, binigyan siya nito ng isang mahabang leksyon sa pagtitipid, na kesyo may mga batang nagugutom sa ibang bansa habang siya ay nag-aaksaya ng pera sa mga walang katuturang bagay na pwede naman ipagkasya sa simpleng pamumuhay.
Naroon pa yung nakagalitan siya dahil nga gusto niyang palaging bilhan ang asawa ng ternong alahas, na nahulog din sa pagtalo na naging sanhi ng hindi nito pagkausap sa kanya na umabot ng tatlong araw, hinayaan na lang niya ito sa gusto.
Kaya kung may hihingiin ito sa kanya ay hindi siya nagdadalaang isip na ibigay ito kay Maribella. Hindi na siya naghihintay ng bukas, agad-agad niya itong kinukuha o binibili o di kaya ay iapauutos niya sa dating mga kasamahan para maibigay kaagad kay Maribella. Mahirap na, baka magbago pa ang isip ng asawa.
Habang pinanonood niya ang tatlo, nakita niya ang pagkatumba ng kanilang mag-iisang taong gulang na munting prinsesa, muntik siyang mapatayo para sana daluhan ito. Ngunit mas mabilis namang dinaluhan ni Maribella si Marie Leal, na kung tawagin nila ay Marle, nag-aaral pa lang itong maglakad.
Maririnig din sa malapit lang sa mga-inang nagtuturuang maglakad ang isang matinis na tawa na nagmula sa isang batang lalaking tuwang-tuwa sa pagkakadapa ng kapatid nito, ang panganay nilang anak na si David Leal, na kung tawagin nila ay Dale. Magtatlong taong gulang naman ito at napaka-aktibo, gwapo at makulit... pilyo.
Bumalik siya sa pagkakaupo at kuntentong-kuntentong pinanood ang kanyang maliit na pamilya. Dalawa pa lang ang anak nila at parang ayos lang naman sa kanya na ganun lang sila kaliit, ayaw niya ring mahirapan si Maribella.
Ayaw nitong kumuha ng kasambahay para matulungan ito sa gawaing bahay habang inaasikaso ang resort, sa kadahilanang, ayaw nitong may ibang taong nakakapasok sa bahay nila. Ayaw ding kumuha ng yaya para maalalayan ito sa pag-aalaga ng mga bata sa tuwing wala siya at nasa ibang bansa.
Ayon sa payo ni Ishmael, maaaring magaling na si Maribella pero naroon pa rin yung hindi lubos na pagtitiwala sa mga taong hindi bahagi ng pamilya nila. Naroon pa rin ang trauma nito kahit na sabihin pang wala na si Clifford dahil nagpakamatay ito, habang si Imelda ay tuluyang nasiraan ng bait matapos ipanganak ang ipinagbutnis nitong naak ni Dustin. Habang si Dustin ay biglang naglahong parang bula.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...