⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"What's The Sitch?"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"DAMN!" Galit niyang turan. Bahagya siyang namilipit sa sakit. "I'm gonna kill those motherfuckers!" Dugtong pa niya sa pagitan ng nagngingitngit na mga ipin. Sinilip ang balikat na nahagip.
Ilang beses na siyang nadaplisan, nabaril, na-torture at muntik pang mamatay sa huli nilang misyon na naging dahilan na nag-off grid sila anim ng humigit-kumulang isang taon, hindi siya nagalit o nainis man lang. Pero ngayon, gusto niyang pumatay hindi dahil nasugatan siya kundi dahil kinanti ng mga pangit na yun ang kapatid niya, ang prinsesa niya.
"May tama ka, Dave!" Sigaw ni Abner, nag-alala.
"Malayo sa atay, Abe." Saad niyang nagngingitngit, tumayo at pumwesto siya.
"Sigurado ka? Mukha ka kasing papatay ng tao eh." Nakangising pang-iinis ni Abner sa kanya.
"Shut it, Abe. Or you'll eat my bullets for the main dish." Ganting pang-iinis niya dito.
"Nah! Those uglies can eat them, my bullets will be their desert." Tumawa pa ito matapos tanggihan ang kanyang inaalok na main dish sa kaibigan.
"Then shut it, fųcker." Mabilis niya itong nilingon at pinakitaan pa noya ito ng one-finger salute.
"Oooh, I love it when you talk dirty." Sabi ni Abner sabay malakas na tumawa.
"Tutukan mo yang magiging ina ng mga anak mo wag itong sugat ko!" Singhal niya dito na ikinasimangot nito.
"Ako na ang titira, may sugat ka baka tamaan pa ang isa sa kanila." Nilingon niya ito, hindi makapaniwala sa sinabi ng watsinanggong kaibigan.
Sniper siya, kaya niyang barilin ang mga ito nang hindi tinatamaan ang kapatid o si Ysa.
"Gusto mong subukan, Abe?" Tanong niya dito, ngisi lang isinagot nito sa kanya.
"No, thank you. Gusto ko pang makita ang lahi ko mula sa kanya!" Ngumisi pa ito na ikinailing ng ulo niya.
"Nanggo ka!" Singhal niya dito. Sabay silang natawa. "Hurry! Pick one, asshole!" Utos niya dito.
"Cool. Akin yung may malansang kamay na nakahawak kay irog, Dave." Tumayo si Abner sa tabi niya at pumwesto rin asinta.
"Irog? Utot mo!" Natawa siya sa kaibigang asyumero. "Sige na, on three." Dugtong niya.
Matikas silang tumayo, hawak ang mga baril, inasinta ang dalawang lalaki.
Nakatutok ang baril sa isang may hawak kay Sage, habang halos magkandarapa ang dalagita sa paghila ng hudyo dito.
Ang isa naman ay kay Ysa na hindi makalakad ng maayos dahil hindi makatayo sa pagkaladkad ng pangit na shokoy na may kawak dito.
Muntik na makalabit ni Leland ang gatilyo dahil sa pagkakatalisod ni Ysa na ipinagpapasalamat niya rin.
"Abe, wait." Mabilis niyang sawata sa kaibigan.
Natuwa si Leland sa nangyari dahil nabigyan ng pagkakataon si Sage na makatayo at malayang makakilos. Mabilis nitong binigyan ng isang power pack na full turning kick ang lalaki. Sapol ito sa pangahan at tumumba ito sa buhangin, tulog.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...