LUS 50

283 30 29
                                    






⚠️ UNEDITED ⚠️

🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Full Throttle"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍








 "ANO na?" Untag sa kanya ng kaibigan. Tinitigan muna niya ang kaibigan bago siya dahan-dahang ngumiti at nag-thumbs up.

"Piece of cake." Mayabang niyang sagot. Nagtaas ng kilay si Abner.

"Mayabang lang? Paano?" Tanong nito.

"Well, sinabi ko lang sa kanya ang totoo. Nung una ay ayaw niya, which I understand, dahil nga wala pang alam ang mga parents niya tungkol sa plano kong ito. Hindi rin naman siya pwedeng magdesisyon ng wala ang pahintulot nila Tita Wendy at Tito Richard. Talagang umayaw siya kasi nga para lang daw dito sa gulong ito ay matatali siya. Bakit kailangan na mag-sort out sa ganung plano." Tumikhim muna siya dahil pakiramdam niya ay bigla siyang pinanuyuan.

"Tapos?" Tanong ni Abner.

"Sabi ko, ngayon lang naman hanggang sa matapos ang lahat. We can just tear the papers after and call it quits. Nag-isip siya habang pinanonood kayo ni Ysa na nagtatalo kanina. Hinayaan ko na muna, ayoko siyang pilitin." Kwento niya dahil yun ang totoo. Napanganga si Abner.

"Hindi mo napapirmahan? Eh bakit ako nagawa ko?" Inis na komento ni Abner.

"Kalma ka nga. Magkaiba naman yun. May anak kayo, kami wala at hindi pa kami magkakaroon nun." Laglag ang panga ni Abner.

"Eh baliw ka pala eh. Alam mo ba yung pressure nun sa akin at lalo na sa kanya?" Inis na turan nito, palaro siyang sinuntok ni Abner sa balikat.

Magsasalita na sana si Leland nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito na hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Capt. Scott, brace yourselves." Sabi nito. Sinilip panandalian ang numerong nakapaskil, si Agent Wolf.

"Good afternoon, Sir." Bati niya dito.

"Scott, this is worse than the mafia mission in Italy and the Yakusa in Japan. Far more messy than the online prostitution in Nigeria. What did you guys get yourselves into?" Tanong nitong nagpapikit ng mga mata niya.

"You don't have to remind me, Wolf. I am at the end of my wits with the Cobra X Gang." May hatid na pait sa labi niya ang sinabi.

"In that case, let me tell you that things will get messier." Sabi nito, nagsalubong ang mga kilay niya. "Go back to the island before it's too late. Someone wants to play tag with you. And if you are not wise and quick, you will be the IT. It's time." Hindi pa man siya nakakasagot ay nagpatay na ng tawag ang kanyang kausap. Napangiwi siya.

"Who was that?" Tanong ni Abner.

"Wolf." Sagot niya.

"Ano daw?" Tanong uli ni Abner. Nilingon niya ito.

"Ano sa palagay mo?" Sagot niyang patanong sa kaibigan.

"Well... Wolf called, which means things are not good." Patabingi siyang ngumiti sa isiping kelan ba tumawag si Wolf na good news?

"Tara na." Aya niya sa kaibigan. Laglag ang balikat nitong umiling.

"I guess, the fun is over. Back to work." Sukong sabi ni Abner.

"Anyway. Baka sabihin mong unfair ako katulad ng pinaparamdam mo kanina. Kung hindi ako tinulungan ni Lola Sol na kumbinsihin si Bella na pirmahan na ang papeles ay baka hindi rin napirmahan yun. Sinabihan siya ni Lola Sol na tsaka na lang hanapan ng solusyon kung paanong lalabasan ang sitwasyon 'to." Pagtututloy niya sa sinasabi kanina bago tumawag si Wolf. Napailing si Abner.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon