LUS 9

266 28 20
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Messed Up"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






KINABUKASAN, maagang umalis ang magkapatid na Gilbert at Emma, uuwi ang mga ito sa Bagiuo kung saan ngayon nakatira ang mga magulang.

Nagpaiwan si Robby sa isla na ikinatuwa ng mga magulang nila, lalo na sila ni Wenard. Kita niya ang dalisay na ngiti sa labi ng ina at ama. Masaya siya dahil masaya ang mga ito. Matapos ang ilang taon ay ito nga at kumpleto uli de Santino Triplets.

Isa-isa na ring nag-alisan ang ibang mga pinsan, mga Tito at Tita sa kani-kanilang probinsya at siyudad, hanggang sa sila na lang na mga de Santino ang natira at ang dalawang magkapatid na Amia at Skyla Garcia na anak ng Tita Angel at Tito Dan niya. Mas pinili ng dalawa ang manirahan at magnegosyo dito kasama silat ang mga Apuhan nila.

Ikinatuwa ng kanilang mga Apuhan nang magdesisyon ang magkapatid na dito nila sa isla itatayo ang pinangarap na coffee shop habang nasa Davao naman ang mga magulang ng mga ito na nagpapalakad ng travel tours at employment agency.

Katulong siya at si Wenard sa mga papeles na kakailanganin at ang Kuya D'angelo naman nila sa karagdagang kapital. Tumulong din siya sa pagpili ng pangalan ng cafe. Pinagsamang Cara Amia at Skyla Mae na pangalan ng mga pinsan. Diyan nabuo at nabuhay ang Mio Amato Cielo Cafe & Gift Shoppe sa De Santino Resort & Camp, na hango sa salitang Italian.

Magsa-summer na, unti-unti, isa-isa nang nagtatapos ang pasok ng mga estudyante sa iba't ibang eskwelahan, mapakolehiyo man o unibersidad at siguradong magiging busy sila, kaya pasalamat siya na nandito ang dalawa pang pinsan na anak ng Tito Dan at Tita Angel niya.

"Gracie!" Tawag na nagmumula sa labas ng kwarto niya.

"Po!" Sagot niya mula sa loob.

"Pinatatawag ka ng Tita Angel mo." Turan nito, napangiti siya. Di pa pala nakakaalis ang Tita at Tito niya. May hindi na naman siguro nagawa si Amia kaya siya ang hinahanap ng Tita niya.

"Salamat po, Manang Nene!" Sagot naman niya. Tinapos na ang pagtatali ng buhok, final touch ang kanyang trademark na pulang lipstick at tinungo na ang pinto.

"Good morning, Sis." Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Robby, nagulat pa siya. Hindi siya sanay na makita ito dito.

"Gosh, Rob! Nakakapanibagong makita ka dito. Good morning to you, too." Sagot niyang tatawa-tawa. "Hindi ako sanay na makita ka dito few days after a celebration." Natatawa niyang dugtong.

"Sira. Mula ngayon masanay ka na dahil palagi mo na akong makikita." Saad nito sabay akbay, kinabig siya nito paakap at hinalikan sa gilid ng ulo. "Dahil mula ngayong pasukan, tatapusin mo ang pag-aaral mo at ako ang magiging kasama mo." Dugtong pa nito, napaluha siya. Ito ang hinihintay niya.

"Talaga?" Paniniguro niya na alam naman niyang tutupad ito.

"Yup. Ginamit nila LolO Robert at Lola Ditas ang kalahati ng kanilang retiement para ibili tayo ng bhahay sa tapat mismo ng Regional Memorial Hosptial sa Tagbilaran.

"Ha? Bakit? Eh may bahay naman sa Tagbilaran." Magkasalubong ang kilay niyang tanong. Bakit nga ba bibili pa eh may bahay naman doon.

"Yun ang desisyon nila Mommy at Daddy na sinang-ayunan ng parehong mga Lolo at Lola." Hindi na siya nagkomento pa. Wala rin naman siyang panalo. Ang mahalaga ay nandito na ngayon si Robby, kumpleto na silang tatlong magkapatid.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon