⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"I Miss You"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"GUYS, can we talk?" Lingon ni Leland sa mga pinsan ni Maribella. "I mean, me and her." Dugtong pa nitong tinuturo ang sarili at si Maribella. Humagikhik ang tatlo, nagkatingin at kumindat ang isa kay Leland, ang dalawa naman kay Maribella.
"Suuure..." Pakantang sagot ni Vivian.
"Take your time, Captain." Mapaglaro at maarteng pagkakasabi naman ni Brandi.
"While you're at it, gawin mo nang kambal." Tumatawang sabi ni Mayette, kinikilig.
Nangunot ang noo ni Leland, hindi yata na-gets ang ibig sabihin ng magpipinsan.
"Titigil kayo o isusumbong ko kayo sa mga crush n'yo!" Singhal ni Maribella na nagpatahimik sa tatlo.
"Oh loko. Naisahan kayo ni Gracie 'no." Natatawang sabi ni Ysa, naabutan na rin silang apat.
"Ano 'to? Gracie - 1, Team Marites - 0" Nakikitawa at tuksong sabat ni Alexa. Mas lalong nangunot ang noo ni Leland.
"Tara na." Aya ni Maribella sa asawa. "Baka hindi lang noo mo ang mangunot dito pati na utak mo dahil sa tatlong yan na walang magawa." Dugtong pa ni Maribella.
"Walang magawa?" Nakakunot-noo pa ring tanong ni Leland. "Nandiyan si Renato." Napansin ni Maribella ang ngiting sinusupil nito.
"Pakialam ko sa kanya." Mabilis na sagot ni Mayette.
"Oh." Sabay na sabi ni Maribella, Ysa at Alexa.
"Tara na." Aya ni Maribella kay Leland na ngiting-ngiting nakatitig kay Mayette. " Renato pala ha." Dugtong pa niya na nagpasimangot kay Mayette.
"Ano yang wala akong paki na yan?" Napapamewang na tanong Brandi.
"Oooh! You have some espleyning to do?" Pakwelang sambot ni Vivian.
"Maria Violeta, kwento." Turan ni Ysa, nakataas ang kilay, pigil ang tawa. "Dun tayo sa resto. Bilis!" Dugtong ng kanyang Ate na ikinalapad ng kanyang ngiti.
Hindi na hinintay pa ni Maribella ang kasunod na eksena sa mga pinsan, hinila na niya si Leland palayo sa mga ito. Kakausapin niya ito ng mabuti, masinsinan at puso sa puso.
"Teka sandali." Maagap na sabi ni Leland.
"Bakit? Kala ko ba mag-uusap tayo?" Nagtatakang tanong ni Maribella, nginitian siya ni Leland.
"Yes, we are. Pero sandali lang." Sabi nito at mabilis na hinarap si Ysa.
"Okay lang va na ako na ang nagsabi kay Nong Celso ng lulutuin?" Dalitan niyong dilang tiningnan. Ngumiti siya at kumindat kay Alexa na nakatayo sa tabi ni Ysa.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...