⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Bisita"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"DAMN!" Sabay na sigaw ni Leland at Abner.
Napakatinis yata ng beep na yun kaya hindi pa man natatapos ang S.O.S. signal na yun, sabay din silang napapisik at nagkatinginang tinanggal ang earpieces sa tenga nila.
"What the hell was that?!" Galit niyang tanong nang makabawi sa pagkakabigla at maibalik na ito sa tenga.
"The vulture had landed." Kalmadong Sabi ni Arkady sa kabilang panig.
"Yaari! I will fūcking kill you!" Hindi napigilan ni Leland ang hindi magmura.
"Leland David Scott!" Sabay-sabay na napatingin kay Maribella ang anim na paris ng mga mata at isang paris na rin ng maliit at inosenteng mga mata, nagulat siguro si Able sa biglang pagsigaw niya. "Pakakainin kita ng sili!" Galit nitong dugtong. Natawa si Ysa at Abner, habang siya ay pigil ang ngiti.
Hindi siya pwedeng tumawa. Bakit? Dahil mahirap nang mabugahan ng apoy. Nasampulan na nga ni Maribella si Leland dati.
"Dave." Muli niyang dinig sa earpiece.
"Dave, we have to go." Pag-aya ni Abner. Para hindi na rin matuloy ang init ng ulo ni Maribella.
Inirapan niya si Abner, ang asawa ng kanyang Ate Ysa. Hindi pa rin siya sanay na may asawa na ito ng paganun-ganun lang.
"We have to go." Paalam ni Leland kay Maribella. "You two take care. Wag kayong hihiwalay sa mga pinsan n'yo. If possible, find Logan and Lance, stay with them." Malambing niyang paalala kay Maribella.
"Bakit? Anong nangyayari?" Tanong ni Ysa, titig na titig kay Abner.
"We have an unwanted guest in the resort." Si Leland ang sumagot, puno ng katapatan.
"Leland." Saway ni Ysa. Tumayo si Abner, ganun din siya.
"What?" Sagot naman niya.
"Do you really have to?" May himig pagkainis ang boses ni Ysa.
"Why do I have to hide it from her? Para ano? Para ma-caught off guard siya? At least, this way, makapaghahanda siya." Seryoso, direkta at walang kurap na sagot ni Leland.
Bakit pa nga ba maglilihim si Leland sa asawa? Marami na itong pinagdaanan, ang paglihiman ni Leland si Maribella ay ang pinakahuli sa listahan niya.
Kahit gaano pa ito kapeligroso, gaano man kadelikado o nakakatakot, kailangang ipaalam niya yun kay Maribella. Simpleng pangako niya sa sarili na kahit kelan ay hindi niya babaliin.
"He's right, hon. Ishmael taught Grace that she needs to face her fears, conquer her fears, defeat her fears." Pagsang-ayon ni Abner habang iniisa-isa nito ang mantra na itinuro ng kaibigan kay Maribella. Nakangiting tumitig lang si Ysa sa asawa at sa kanya.
"Sigurado kayo?" Tanong nito. "Alam kong magiging maayos siya but isn't this inducing fear on her?" Dugtong pa ni Ysa. Ngumiti siya dito.
"Ate Ysa, di ba ikaw na rin ang nagsabi na wag akong matakot? That feat will lead to overthinking and overthinkingleads to more fears of the unknow which leads to self distruction? Kung hindi kayo magiging totoo sa akin, sa mga nagaganap sa atin at sa kung ano mang pwedeng mangyari pa. Eh di parang ibinalik mo na rin ako sa dati, sa dilim." Nakangiting sagot ni Maribella. Malungkot ang ngiting iginawad ni Ysa kay Maribella.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...