⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Permission Granted"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"DAVE, are you okay?" Tanong Mikael sa kanya, nakatayo ito sa tabi niya. Tumango siya at bahagya itong nilingon. Inabutan siya nito ng isang lata ng beer.
"Thanks." Sagot niya sabay kuha ng beer, binuksan ito at tumungga.
"Ang layo ng tingin ah." Puna nito na kung nilingon niya lang ay makikita niya ang mapanukso at pilyo nitong ngiti.
"Hindi naman, nag-iisip lang." Walang lingon niyang sagot. Nakatutok pa rin ang mga mata sa dalagang nakahiga sa duyan.
Kanina pa siya nakatingin sa babaeng nakahiga sa duyan sa di kalayuan sa kanya. Napangiti siya nang makita niya itong nakangiti habang nakatitig sa mga dala-dala nito. Napangit siyang muli.
"Maganda ba, Bro?" Tanong nito. Mabilis niya itong nilingon, salubong ang kilay, nagtatanong.
"Maganda ang alin?" Kunot-noo niyang tanong. Hindi sigurado kung ano ang tinatanong nito.
"Yung iniisip mo, maganda ba?" Pilyo nitong ngiti. Napansin niya yun sa boses ng kaibigan. Napailing na lang siya.
"Gago." Turan niya na ikinatawa ni Mikael.
"Maganda nga siguro. Maganda ang mood mo eh." Sabi pa nito. Napailing lang siyang muli sabay tungga ng beer.
"Matulog ka na nga." Kunwari ay galit niyang utos sa kaibigan. Tumawa ito at tinapik-tapik pa ang kanyang balikat.
"Ang aga pa para matulog." Sagot naman nitong sanay sa puyatan, sanay na walang tulog.
"This mission is getting on my nerves." Wala sa loob niyang nasabi.
"How come?" Tanong uli ni Mikael, tumungga ito ng beer.
"If this is what I think it is. I will kill someone." Sagot niya sabay lagok ng beer at muling nagbukas ng isa pa.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito.
"Wala lang. Masyado pang maaga para talaga sabihin. Pero dahil nadadawit ang pangalan ng mga Gamboa dito, baka nga totoo ang sinabi ng tatlong sarhento." Pahayag niya. Napapadalas na nag mga pagbuntong-hinga niya, nakakairita na.
"Siguro, kailangan lang na maging handa tayo kung ano man ang itapon sa atin." Parang natalong komento ni Mikael.
"Hindi ko lang kasi maubos maisip na simpleng hidwaan lang ito sa isang maliit na isla pero bakit kinakailangan pa nating i-coordinate ito sa Naval authority. Kailangan ba talagang isangkot ang Navy dito? Anong meron sa islang ito?" Composed siyang tao, pero bakit sa misyong ito parang nasisira ang konsentrasyon niya. Parang nabobobo siya.
"Maaari ngang hindi lang ito simpleng hidwaan baka nga ito ay may kinalaman sa national security din di ba? O dito mismo sa probinsiya ng Bohol." Alam ni Leland ang ibig sabihin ng kaibigan.
"Sa palagay mo ba parang katulad din ito ng misyon natin sa Japan?" Hinarap niya ang kaibigan. Tumango ito.
"Kung natatandaan mo, hindi Yakusa ang kumidnap sa anak ng General kundi mga kalaban niya dahil iba ang gustong mangyari ng ibang nakatataas. And worst, hindi naman pala yung anak nung heneral kundi yung kaibigan pala nito ang pakay dahil, down low, anak ito ng presidente nila, nadamay lang ang anak niya." Tumango-tango si Leland.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...