LUS 20

238 38 24
                                    





⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Brothers At Arms"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"I THINK you are in love with her." Napangiti siya ng mapait sa marinig.

"But she will not fall in love with me." Wala sa loob niyang sagot.

"I think she will, hindi pa lang niya alam." Tumawa pa ito. Naiinis siya sa kausap dahil kung ano-ano ang sinasabi, nilingon niya ang nagsasalita

"You..." Natigilan siya nang makita ang mga nakangiti binata. Mga kapatid ni Maribella, nanunukso ang mga matang nakatuon sa kanya.

"Sa palagay ko bro, pareho sila. Hindi lang nila parehong alam." Tatawa-tawang turan ni Robby.

"Siguro nga bro. Minsan kasi nakakatanga at nakakabulag ang pag-ibig." Nakipag-apir pa si Wenard kay Robby at tinalikuran na rin siya na hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili.

Humakbang siya para sundan sana si Maribella ng marinig niya si Renato sa earpiece niya.

"Dave, you have got to see this." Napatigil siya sa kinatatayuan.

"What's your 23?" Tanong niya sa mahina ngunit malinaw na salita.

"The cave." Simpleng sagot ng kaibigan.

Kinapa ang baril sa likod niya at simpleng naglakad sa direksyon na sinabi ng kaibigan. Nakikiramdam siya sa bawat hakbang na ginagawa, palinga-linga at minimemorya ang bawat nakikita. Nakataas ang alert level ni Leland.

Mabilis na nakarating si Leland sa lugar na kung nasaan ang limang kaibigan at ang tatlong sarhento kasama na ang basurang ipinatatapon ni Leland kanina. Hapon na, ilang ora na lang ay magdidilim na.

"What's going on?" Tanong niya pagkarating na pagkarating niya ngunit napatda sa nakita. "What are these?" Turo niya sa mga nakakalat na mga high powered na mga baril.

"There's more in there." Sabi ni Arkady. "Pakiramdam ko sadyang inilagay yan dito ng kung sino." Dugtong pa nito. Napaisip si Leland. Whoever put these here is either a foe or a friend.

"Ano ang koneksyon niyan sa lahat ng ito?" Tanong niyang tukoy sa tulog na lalaki sa buhanginan sa loob ng kweba.

"Hindi po namin alam, Captain. Pinatulog ni Joselito. Ang kulit kasi eh." Sagot ni Roger.

"Mag-iingay kasi, Sir. Maayos naman yan kanina nung nakuha namin siya mula kanila Tinyente, pagdating namin diyan sa bungad ng kweba, nagsisigaw na." Kakamot-kamot ng ulo ang sarhentong itinuro si Emielbert na tulog sa lupa.

"Sir, sa palagay ko po walang alam ito dito. Totoo yung takot na nakita namin sa kanya kanina nung kinakaladkad namin yan dito." Sagot ni Christian. "Pero hindi rin masamang pag-isipan na maaaring umaarte lang ito." Dugtong nitong nagpataas ng kilay ni Leland ngunit hindi nagsalita.

"Background check?" Maikli niyang tanong.

"Dr. Emielbert Pascual, 30, single, orphan. Worked his way to college. Just finished being a doctor and is now working at local, public hospital in the town of Talisay, Cebu. No family, no girlfriend." Pagdedetalye ni Mikael. Nilingon niya ang kaibigan.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon