⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"All's Well"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
PAKIRAMDAM niya ay maiiba na talaga ang lahat para sa kanya. Siguro nga ay kailangan niya lang tanggapin na nangyari na ang dapat na mangyari at hindi na niya ito maibabalik o mababalikan pa, lalabanan niya na lang ang takot.
Nag-umpisa na naman kasi ang takot niya dahil sa dami ng tao ngayon sa isla, at karamihan ay mga lalaki na puro malalaki ang katawan, maaangas ang mga mukha at ang lalim pa ng mga boses. Yung bang kahit bumubulong lang sila pero dumadagundong na, nakakatakot di ba?
Kahapong umalis sila para maggala sa Tagbilran City, nag-mall sila at nag-karaoke pa ang iba. Mas pinili niyang umuwi sa bahay ng mga Lolo at Lola niya sa Tagbilaran kesa sumama sa mga pinsan at kapatid. Inabot na ng halos ala-una ng madaling araw ang mga ito bago umuwi.
Gamit ang sasakyan ng bawat pamilya, pinili ng lahat na umuwi ng isla kahit alanganin na ang oras. Kalmado naman ang dagat kaya ayos lang.
Hindi pa rin antok ang ibang mga pinsan kaya nakiayon na rin siya sa mga ito. Dahil nga madaling araw at hindi gaanong marami ang sasakyan kaya wala pang isang oras-kwarenta'y singko minutos ay nakarating na sila Ubay. Natulog lang naman siya sa likod kasama ang tatlong close na pinsan.
Nagising siya nang makarating sila ng Ubay. Tahimik na ang paligid at payapa din naman ang alon sa dagat. Walang masyadong tao maliban sa mga security ng port area. Nag-alala siya dahil baka nagkamali lang si Liam sa pagdinig na may masasakyan pa silang isang bangka.
"Noy Wenard!" Tawag ng isang antok na tinig sa tagliran nila bandang baba. "Gipaapas mi ni Tatay Gorio para mutagbo ninyo. Ingon niya, nag-text kuno pa si Dong Liam, magpatagbo kuno mo bisan kaadlawon na." Dugtong pa nito na ikinatuwa niya. Mabuti na lang at may isang bangkang de motor pang natira sa pier. (Noy Wenard, pinasunod po kami ni Tatay Gorio dito para sa saluboungin kayo. Sabi po niya, nag-text daw po si Dong Liam, magpapasundo daw po kayo kahit madaling-araw na.)
Isa-isa na silang sumakay at syempre, kelan ba sila naghiwalay na apat? Ganitong lakaran, hindi pwedeng hindi sila magkakasamang apat.
"Gracie, this is just a thought." Nagulat pa siya sa biglang pagsulpot ni Vivian sa tagiliran niya na nagpabalik sa kanya sa ngayon.
"Viv! You scared me." Sabi niya dito, sabay hampas ng mahina sa braso nito. Tumingin sa paligid niya.
"I'm sorry, my love. I totally forgot." Saad nito, titig na titig sa mga mata niya. "Marami nga palang tao ngayon dito at puro pa mga borta." Napailing siya idinugtong nito. Matino na sanang kausap ang pinsan na ito pero minsan lumalabas ang pagiging babaeng bakla nito.
"Gaga ka talaga. Mamaya marinig ka ni Tita Jessie, makukurot na naman yang singit mo." Humagikhik si Vivian kaya humagikhik na rin siya.
Parang biglang gumaan ang umaga niya na kanina lang ay parang kay bigat at kay sikip dahil sa dami ng lalaki sa resort nila na hindi niya alam kung saan nanggaling.
"Anyway, bago may singit na mapaltos, I was thinking, why don't you go back to school and finish your internship. Ilang kandirit ka na lang, di ba?" Pagbabago nito sa usapan. Natahimik siya.
"That's right. You can request to be in Don Emilio's, it's closer pa, especially if you don't want to go back to the city." Sabat ni Brandi. Nasa tabi na pala nila ito, hindi niya kaagad napansin. Wala pa rin siyang imik, ngunit napapaisip siya.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...