LUS 29

267 35 43
                                    




⚠️ UNEDITED ⚠️




🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Connection"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






"TEKA, kilala ko kayo ah, di ba kayo yung mga lalaki nakausap at nakasama namin sa City Mall?" Biglang nagsalita ang isa pang babae.

Nagakatinginan ang mgakakaibigan, maging ang tatlong sarhento ay nagkatinginan din. Naalala nila Leland ang araw na yun. Kararating lang nila dito sa Bohol at gusto nilang mamili ng mga ipangpapasulubong pagkatapos ng misyon. Iilan sa mga bagay na hindi nila nagagawa pagkatapos ng misyon ila dahil nagiging abala sila sa paggawa ng reports.

Hindi na lang sila kumibo dahil hindi naman yun importante sa usapan ngayon. Gayunpaman ay mabilis na lumingon si Mirabella kay Leland. Nakita niya sa sulok ng kanyang paningin. Humugot siya ng malalim na paghinga sabay iling.

"Sila nga yun Ate Lia." Sagot ni Maru bago pa nakahuma si Leland.

"Kami nga yun but mostly, sila yung mas matagal n'yong nakasama." Turo niya sa mga kasamahan.

"That's right. Siya yung gwapong busy sa pamimili ng ipapasalubong sa girlfriend niya." Bungisngis na sabi ni Amia. "Why did I not recognize you guys?" Dugtong pa nito.

"Ay, Amia. Hindi nga umain na girlfriend di ba, my princess pa nga pagkakasabi niya." Sabi nung tinawag Ate Lia.

Napapikit ng madiin si Leland sa pagkakabanggit ng sa salitang girlfriend at my princess. Hindi niya ginawang lumingon kay Maribella dahil ramdam niya ang mga palaso at sibat na tumatama ngayon sa likod niya. So the saying 'if looks could kill' is very true.

"Correction. Kapatid na babae." Salo ni Renato. "We don't have time for girlfriends." Dugtong nito na walang ibang tinitingnan kundi ang tablet nito.

"At may oras para pag-usapan yan." Sabat ni Ishmael.

"Umiiwas lang, Koya?" Sabat ni Brandi. Hindi naman mataray ang dating pero parang ganun na rin.

"Anyway." Mabilis at maagap na sambot ni Leland bago pa magkaron ng Abe-Ysa version sa gitna nila. "We need to focus on what you all can do." Pagbabalik niya sa topic, ngunit muli silang naantala ng bagong dating.

"Hi, Kuya." Matamis at malambing na bati ng bagong dating na si Sage. "Hi, Ate Bella." Bati nito kay Maribella at humalik pa ito sa pisngi niya at ni Maribella.

"Hi, Sage." Bati niyang nakangiti dito na may kalakasan, ngunit napalis din ang ngiting yun nang may maalala. "What are you doing here? And why are you alone?" Magkasunod na tanong niya dito.

"Kuya Leland, I am not alone, I have buntot na." Sagot nitong nakangiwi ang mga labi, halatang may hindi nagugustuhan ito base sa sinabi at kilos nito.

"Buntot?" Tanong ni Maribella na sinilip pa ang likurang bahagi ng dalagita.

"Not that buntot, Ate." Sagot nito kay Maribella. "That buntot." Turo nito sa kabilang gawi ni Leland. Natawa si Leland dahil si Katok naman ngayon ang nakasimangot.

"Maswerte ka at kapatid ka ni Capt. Lodi dahil kung hindi, iniwan kitang mag-isa doon." Sabi nitong nakaturo ang nguso sa gawi ng mga villa.

"My Princess. Look at me." Tawag-pansin niya sa kapatid.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon