LUS 70

232 34 33
                                    






⚠️ UNEDITED ⚠️



🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Kasunduan"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍







KUMAKAIN na sila ng hapunan, walang kibuan, walang lingunan kahit na magkatabi pa sila.

Kaninang maliligo sila ay nataon namang siyang pagpasok ni Ysa at Abe. naka-brief si leland nakabalot lang ng kumot si Maribella. Mabuti na ngal ang mabilis nitong naibalot ang kumot sa sarili nang bigla na lang sikupin ito ni Leland.

"Dave? Gracie?" Sabay na pagtawag ni Abner at Ysa. Hindi tuloy alam ni Maribella kung itatago ba ang mukha sa kumot na nakabalot sa kanya o maglalaho na lang siya na parang bula.

"Dave, take me back to the room! NOW!" Sigaw niya sa asawang wala man lamang kaekspre-ekspresyon. Hinampas niya ito sa dibdib na biglang nagpatawa dito.

"Maligo na kayo!" Singhal ni Ysa sa kanila. "Pinatatawag na kayo ni Tita Wendy." Simple nitong dugtong, nakataas ang kilay at nakapamewang ang isang kamay

"Ang harot n'yo kasing dalawa." Tatawa-tawang panunukso ni Abe.

"Pasalamat kayo at napapayag ko si Tita Wendy na ako ang susundo sa inyo. Kung nagkataon, she will be so mad seeing you both this way." Sabi nitong ikinumpas ang hinturo sa eri, nakaturo sa kanila. Natahimik silang pareho, nagkatinginan.

"Let's go, you need to take a shower." Sabi ni Leland sa kanya. Tahimik lang na tumango si Maribella. Nagtuloy na sila sa banyo.

Nahihiya si Maribella magtagpo ang mga mata nila ng pinsang si Ysa o makita nakatingin ang mag-asawa sa kanila. Si Maribella, paniguradong nahihiya siya sa pinsan dahil nahuli sila galing sa milagro. Si Leland? Ibang usapan naman ang lalaking ito, pasimple, walang kibo at diretso kung makatingin na parang walang ginawang kababalaghan.

"Leland." Napakislot si Maribella nang marinig na tinawag ng Daddy niya ang katabi.

"Po." Mahinahon nitong sagot. Napakunot ang noo ni Maribella kahit hindi nakatingin sa mga ito. Hindi man lang narinigan ng kaba o pag-aalinlagan ang boses nito. Nag-angat siya ng tingin.

"Anong plano mo?" Tanong ni Richard. Bahagya itong tumahimik, uminom ng tubig bago nagsalita.

"Plano po saan, Tito." Napakislot na muli si Maribella nang maramdaman ang paghawak ni Leland sa kamay niya.

"DAD." Pabulong na sabi ni Ysa, tinutukoy ang pagtawag nito sa Daddy ni Maribella.

Nag-angat siya ng tingin sa mga ito nakangisi ito, hindi nakangiti. Napanganga siya ng ngumiti lang ng bahagya si Leland kay Ysa. Napanguso siya.

"Dito sa isla?" Turan ni Richard sa unang tanong. Tumikhim si Leland.

"Tungkol po ba sa kaso ng mga Gamboa o tungkol po sa pagpapalit pangalan ng isla?" Parang rehersado ang lahat dahil sabay-sabay na nag-angat ng tingin ang lahat sa sinabi ni Leland maliban sa mga kasamahan nito, dalawang kapatid at mga hipag. Tahimik lang na nagtuloy sa pagkain ang mga ito.

"You sold the island?!" Bulalas ni Teri. "For God's sake Greg, why?" Nilingon lang ito ng Daddy ni Maribella.

"Teri!" Saway naman ni Dan.

"Nagtatanong lang, Kuya." Baling naman nito sa makatatandang kapatid.

"Kahit na. Wala ka sa lugar para gawin yan kahit kasal ka pa sa isang de Santino." Matiim na turan ni Dan na kasal din sa isang de Santino, Angel. Tuwid ang likod nitong nakaupo at direktang nakatitig sa mga mata ni Teri.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon