⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Ilusyon"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
MARAMING nasabi at napag-usapan ngunit parang kulang pa rin ang paliwanag o sagot para kay Maribella.
Pakiramdam niya ay hindi pa rin nasasagot ang problema ng isla at ang koneksyon ng lahat-lahat. Hindi niya maubos maisip na sa kasal sila makakahanap ng resolusyon ang kanyang mga apuhan.
Naiintindihan niya ang sinasabi at pakaibig sabihin ng Tita Teri niya tungkol sa kalayaang makapili at makapagdesisyon para sa sarili. Ang hindi maintindihan ni Maribella ay kung bakit parang biglang galit ang kanyang Tita Teri sa mundo?
Isa pa, kung kalayaan ang tinutukoy ng tiyahin bakit mismong ang tiyahin ang sumusupil sa kalayaan ng sariling mga anak? Nalilito siya, naguguluhan.
Kilala ni Maribella na istrikto ang Tita Teri niya pero hindi niya inaasahan na magiging ganito ito ngayon. Ano ang nabago? Ano ang nangyari?
May koneksyon ba ang nangyari sa kanya noon na dapat sana ay kay Ysa nangyari? Kung meron, bakit hindi ito nagbubukas ng damdamin sa pamilya? Ganito na ba sila kahirap makaunawa para hindi ito mag-open up? Napabuntong-hininga na lang si Maibella.
"Tito Greg, ituloy n'yo na po ang tungkol sa kasunduan sa isla." Nilingon niya ang paglalakas-loob na susog ni Amia. Maingat siyang napangiti. Gusto rin niyang malaman ang buong kwento nito ngayon nabuksan na ang topic tungkol dito.
"Okay." Sagot naman nito. "Sa ngayon ito ang solusyon namin. Hindi man si Luigi ang nagmana ng islang ito, pwede pa ring baligtarin ng mga Gamboa ang kasunduan at pilitin si Ysa o si Iggy dahil sila ang unang apo nila Papa at Mama kaya ginawa nila ang akala nila ay tama. Si Maribella..." Inilibot ni Richard ang tingin sa lahat, tahimik lang naman ang mga itong nakikinig pero napansin ni Maribella ang pagkakatigil ng tingin ng Daddy niya sa kanyang Tita Teri, yumuko ito.
"Nagdesisyon sila Mama at Papa na gawin na ganito, ang ipakasal si Maribella Grace kay Capt. Leland Scott, dahil sa takot sa masamang balak ng magkapatid na Gamboa. Katulad noon hindi natin siya kinayang protektahan. Sa tingin nila Mama at kami na rin ni Wendy, si Capt. Scott ang naging kasagutan at solusyon noon, ito rin ang magiging solusyon ngayon." Patuloy na pahayag ni Richard.
"Noong unang sinabi ni Tita Jane ang napag-usapan nila ni Mama, sa pahintulot na rin nila, nagalit ako. Naisip ko na nasaklawan ni Mama at Papa ang pagiging magulang namin ni Greg kay Maribella." Tumikhim panandalian si Wendy, bago pa nagtuloy ng kwento.
"Naisip ko rin na baka kung ano ang isipin at sabihin ng pamilya ni Leland kay Maribella at sa pamilya natin sa desisyon na yan. Galit na galit ako, nag-away kami ni Richard sa harap ni Tita Jane at Jake. Pero nung ipinaliwanag ni Jake at nila Mama at Papa, sa telepono, ang panig nila at sumabay pa nga ang nangyari dito sa isla last week, kung paanong sinalo ni Leland ang bala na para sana kay Maribella, naisip ko na maaaring tama sila Mama." Yumuko ito at tumikhim.
"Kung natatandaan n'yo ang nangyari mahigit tatlong taon nang nakaraan, kung wala si Leland at ang grupo niya baka kung ano na ang nangyari kay Maribella. Mabuti na lang pumayag naman daw itong si Leland kaya hindi na kami nag-atubili pa." Mahabang paliwanag ni Wendy.
"Hindi sa nagmamadali kami na makapag-asawa si Maribella Grace, napag-isip-isip lang namin na kahit na anong pag-aalaga at pagppprotekta namin sa kanya, hindi namin kakayaning kami lang na mag-asawa at mga kapatid niya, kung nariyan pa rin ang Magkapatid na yan." Halata ang galit sa boses ni Richard, pilit kasing kinakalma ang boses kaya pansin na pansin. Tumikhin ito.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...