LUS 6

268 32 7
                                    



⚠️ UNEDITED ⚠️



🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Back Home"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





THREE years have passed so fast, same job, same routine, different Leland. Why? He had matured. Sa edad na bente-syete, marami na siyang misyon na nakaharap, marami na rin siyang panganib na naiwasan, at muntik na ring nabingit sa kamatayan ang buhay niya at ng mga kasama.

Nakailang balik din si Leland sa Pilipinas para sa kaso ng kapatid na si Logan at para na rin alalayan si Lance sa negosyo at si Makai sa pagpapabalik-balik ng kapatid sa mga operasyon nito, ngunit ito ang pinakamatagal na isang taon at kalahating hindi siya nakauwi at wala ring komunikasyon.

Bakit? Tsaka na niya ipapaliwanag sa mga magulang. Bumuga siya ng hangin na hindi niya alam na naipon pala sa baga niya mula ng bumaba siya ng eroplano.

Ipinikit niya ang mga mata at nilanghap ang tila isang sariwang hangin sa madaling araw na simoy ng Manila. Natawa siya.

Ang totoo, nais lamang niyang amuyin ang aroma ng pagbabalik niya sa Pilipinas, usok ng tambutso, alikabok, at lahat. Napangiti siya, nasa Pilipinas na nga siya.

Matapos gawin yun ay dahan-dahang idinilat ang mga mata. Marami na ang nagbago sa loob lamang ng isang taon at kalahating hindi siya nakauwi, lalo na sa kanya. Kakaiba na siya ngayon, mas naging istrikto at maingat na siya, agnun din ang mga kaibigan at kagrupo nila.

Masaya siya nang malaman niyang balik na sa dati ang lahat sa pamilya niya. Maliban sa nakakaalala na si Logan, naayos na rin ang pilat sa mukha nito, naibalik na ang dating mukha ni Logan matapos ang halos dalawang taong pabalik-balik sa Japan para sa reconstructive surgery nito at magkaroon pa ng kapatid ngayon si Lotti.

Marami at malaki na rin ang nabago sa kanya, wala na siyang hilig sa short times, quickies, pigeon callings at bootie calls, bagay na ikinagulat ng mga kaibigan at ng kanyang ka-triplets nang mabalitaan ang bagay na ito.

Sa dami ng mga pinagdaanan ng kanyang kapatid at hipag, sa wakas ay nabuo na rin ang dalawa at nakikita niyang masaya na ang mga ito sa video na ipinapadala ni Lance, lalong-lalo na si Lotti na ngayon magwawalong taon na.

Sa likod ng mga pagsubok na dumaan sa kanilang pamilya, naging masaya siya para sa dalawang niyang kapatid na si Lance at Logan. As long as they are happy, I'm happy. Palagi niyang paalala sa sarili.

Sa mga panahon na hindi siya nakakauwi sa kanila at hindi rin niya nakakausap ang pamilya, naging sandigan ni Leland ang mga kasamahan at kaibigan para sa kaligtasan nilang lahat. Marami silang pinagsamahang misyon na mas lalong nagpahigpit at nagpatibay ng samahan nilang anim.

Kahit na gaano pa kakumplikado ang ibang misyon nila, lagi silang nagbabalikatan, nagtutulungan. Lalo na nung masadlak sa ospital ang ilan sa kanila. Walang iwanan 'ika nga, sama-sama, damay-damay, hawa-hawa.

Kahit siya pa pinakabata sa kanilang anim, hindi ito naging hadlang sa mga kaibigan sa pagiging team leader niya. Si Gomez ang pinaka matanda sa kanilang anim sa edad na 31. Sumunod si Tolentino at Marquez na parehong 30; Yaari, 29; Benedicto, 28 at siya, 27. Rason ng mga kaibigan, numero lang yan.

Uuwi lang siya sandali sa kanila para makasama ang pamilya kahit sandali. Aalis din siya matapos ang tatlong araw o isang linggo na kadalasang nangyayari kapag dito sa Pilipinas ang misyon nila.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon