⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Bagyo"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"CONG. Paulino Gamboa." Matabang at mabagal niyang sambit sa pangalan ng nahimigan niyang tumawag. Natahimik ang kabilang linya, sinamantala niya ang pgkakataon na humirit uli ng salita.
"Ang tagal na panahon na wala tayong pag-uusap, napatawag ka? Bakit?" Hindi niya alam ang gusto nito pero may hinagap na siya.
Kung hindi siya nagkakamali, hihingi ito ng pabor sa kanya para sa mga suwail na anak. Napapailing siyang nangingiti.
Ang mga taong katulad nito na matayog ang tingin sa sarili, sinabayan ng mataas na katungkulan, parang langaw na nakadapo sa sungay ng kalabaw kaya akala ay singlaki na rin ng kalabaw. Nabubulag sa angking posisyon, kaya kahit mali, naiiwasto. Galit niyang naisip.
"Glenn, hindi ako tumawag para makipagkamustahan." Muntik na matawa ang heneral. Bastosnkanpa rin hanggang ngayon. Sa isip-isip niya.
"Wow. Wala man lang bang, kamusta ka na klasmeyt? Ano na ang nangyari sa iyo matapos kitang ilaglag kay Ilona." Panunukso nito sa dating kaibigan.
"Alam kong nasa mabuti kang lagay. Wag na tayong maglokohan, alam kong naging maayos din kayo ni Ilona. Higit sa lahat, alam ko rin na maayos na maayos ang buhay mo ngayon, kita sa mga interviews mo, kaya hindi ko na kailangan pang kamustahin ka." Direkta nitong sabi. Kung nakikita lang sana nito ang pag-iiling at ang kanyang pagngisi, baka magalit lang ito sa kanya.
"Katulad ka pa rin ng dati,Paulino. Walang binago ang nagdaang mga taon sa iyo, arogante at matalim pa rin yang dila mo." Panimula niya. "At katulad ng dati, wala ka pa ring pasensiya at higit sa lahat, pikon ka pa rin." Natawa na ng tuluyan si Gen. Escalera.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Glenn. Ano man ang nangyari noon ay tapos. Ang nakaraan ay nakaraan." Sabi nito na lalong ikinailing ng ulo ng heneral. Mayabang ka pa rin, Paulino.
"Mabuti nga sigurong hindi na tayo naging magkaibigan matapos ang mga nangyari noon baka matagal ng nagpantay ang mo sa lupa." Matabang, may gigil, galit at walang ganang deklarasyon ni Gen. Escalera. "Ano ang kailangan mo at napatawag ka?" Mabilis niyang tanong.
Parang kanina lang ay gusto pa niyang makipagtelebabad sa dating kaibigan, ngayon naman ay nagmamadali siya na parang gusto niyang makipaghabulan sa ambulansiya ng Red Cross.
"Alam kong nasa kostudiya na ninyo si Clifford at Imelda. Alam ko ring alam mo kung ano ang kalidad ng asawa ko ay ng mga taong nakapligid sa kanila." Panimula nito. Malapad na napangiti ang heneral.
Kung nakikita lang talaga ng kausap ang hitsura niya ngayon ay baka bigla na lang itong magagalit katulad nung nasa kolehiyo pa sila.
"Gusto mong ipaling ko sa kabila ang mga mata ko katulad ng dati na para hindi ko makita ang ipagagawa ng asawa mo? Yun ba ang itinawag mong pabor sa akin?" Tanong niyang nagtatagis ang mga bagang. Nag-init ang leeg niya papunta sa mukha na umabot sa kanyang bunbunan.
Garapalan na kung garapalan, hindi niya itataya ang kanyang posisyon, retirement at repustasyon sa mga taong katulad ng isang Paulino Gamboa.
"Hindi." Mabilis at isang salitang sagot nito. Bahagyang natigilan si Gen. Escalera. Hindi kaagad nakapagsalita, hindi alam ang iisipin.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romansa⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...