⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Just My Luck"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"WENARD, anong meron sa Wendy's Stage?" Tanong ni Maribella sa kapatid. Nadaanan kasi nilang parang maraming tao.
"Ewan ko. Nagpapaluto si Daddy ng pagkain sa mga cook. Parang may party eh." Sagot naman nito at hinarap na ang monitor ng computer.
"Breakfast daw po sa Wendy's." Sagot ni Amia.
"Patay. Busy na naman pala si Noy Mulong." Komento niya nakangiti.
"May darating pa ba ngayong araw? " Tanong ni Robby kay Amia.
"Akala ko ba nasa siyudad ka?" Tanong ni Maribella sa pinsan. Wala daw kasi ito ngayon ayon sa kapatid na si Skyla.
"Hindi na ako tumuloy. Tinawagan ko na lang yung vendor at bukas na kami lalakad ni Liam." Paliwanag ni Amia. Tumango-tango siya.
"Sagutin mo na yung tanong ng Kuya Robby mo." Utos niya. Itinuon ang pansin sa printout na hawak nito.
"Ang sabi ni Mama sa akin kanina nung tumawag siya, marami pa raw ang hahabol mula sa grupong ito. May dumating na nga kanina." Turo ni Amia sa papel na hawak. Lumapit siya sa nakababatang pinsan.
"Patingin." Kinuha niya sa pinsan ang papel na hawak nito. Nakita nga niya na may karagdagang reserbasyon pa. Nakita din niyang aprubado ito ng ina. "What?!"
"What happened?" Tanong ni Robby. Nagmamadali itong lumapit sa kanya. Mabilis ding inagaw ang papel sa kanya.
"Robby!!" Sigaw ni Maribella sa kapatid. "Bastos ka! Parang hindi ka duktor!" Dagdag niyang singhal sa kapatid.
"What??" Painosente pa nitong sagot na hindi man lang nililingon ng kapatid. Napasimangot siya.
"Binabasa pa, eh inagaw mo na!" Inis niyang hampas sa braso nito.
"Aray! Sadista ka na ha!" Singhal ni Robby na hindi naman nakaharap sa kanya, hinihimas-himas lang ang hinampasan niya ngunit nasa papel ang mga mata.
"Ano ba kasi yang pinag-aagawan n'yong dalawa?" Tanong naman ni Wenard na nakatanghod din sa kumpol ng papel sa kamay nito. Sabay sila ni Robby na napatingin sa kapatid.
"Saan mo kinuha yan?/Saan mo kinuha yan?" Sabay nilang tanong, sabay ding nagkatinginan.
"Diyan." Simple nitong sagot sabay turo sa printer na nasa likod nila. Nakita nga nilang dalawa ni Robby na may bagong mga pahina ng papel na hawak si Amia. Katulad ng hawak nila kung hindi siya nagkakamali.
"Saan galing yan?" Tanong ni Robby kay Amia. Natigilan itong tumitig sa kanila bago hinarap si Wenard.
"Kuya Wenard, nauntog ba si Ate Gracie kagabi o kanina?" Tanong nitong bilog na bilog ang mga mata. Mangha ba o nag-aalala? Hindi niya matukoy.
"Bakit?" Natatawa nitong tanong.
"Eh kasi si Ate Gracie parang kindergarten kung magtanong." Nakadilat pa rin ang bilog na bilog na mga mata nito, natawa na siya.
"Mia, hindi tanga ang Ate Gracie mo at wag mo rin siyang ikukumpara sa mga kindergarteners." Seryosong turan ni Wenard sa nakababatang pinsan. Para namang napahiya si Amia. Nagabba ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...