LUS 56

218 35 12
                                    







⚠️ UNEDITED ⚠️





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Love Under Siege

"Liwasan"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍













MATAPOS itali ni Iggy at Balo ang lantsa sa punton ay nagmamadaling bumaba si Maribella at Ysa ng lantsa. Walang pasabing tumakbo ang mga ito sa direksyon ng lobby ng resort, paniguradong diretso sa mga villa ng mga kasintahan.

"Day Grace? Nang Ysa?" Gulat na sambit ni Pining nang makita silang dalawang humahangos. Pareho silang tumigil na magpinsan at hinarap si Pining.

"Nasaan sila?" Tanong ni Maribella. Salitan silang tinitigan ni Pining, nagtataka, nalilito.

"Ha?" Napapakamot si Pining sa kanyang sentido dahil hindi nito maintindihan ng tinutukoy nilang dalawa.

"Asa na sila?" Muli niyang tanong sa bisaya. (Nasaan na sila?)

"Kinsa lagi?" Tanong nito, naguguluhan. "Sila Noy Wenard at Noy Robby ba ang inyong gipangita?" Dugtong pa nito. Umiling siya. (Sino po ba? Sila Noy Wenard at Noy Robby ba ang inyong hinahanap?)

"Dili. Katong mga bisita nato ba, asa na sila run?!" Pagliliwanag niyang tanong. (Hindi. Yung mga bisita natin, nasaan na sila?)

"Day Gracie. Day Ysa." Pag-agaw ni Nestor na pansin nila. "Anong ginagawa n'yo dito? Di ba dapat nasa Ubay kayo? Delikado pa kaya dito ngayon. Nasaan sila Robby at Wenard." Sinilip pa nito ang likuran nila. Nilingon nila ang direksyong tiningnan nito, paparating ang mga pinsan nila at si Balo na operator ng lantsa.

"Nasaan na ang mga bisita?" Tanong ni Iggy.

"Hindi ko alam, Noy Iggy." Sagot ni Nestor. "Kanina lang ay nandyan sila sa Stage, nagmi-meeting, tapos bigla ring nawala. Naka-full gear lahat eh. Pero yung mga kapatid at kaibigan nila at yung isang babae ay nasa cottage doon sa dulo." Turo ni Nestor sa malayong dako kung nasaan ang cottage na tinutukoy nito.

"Tara, Gracie." Nagmamadaling aya ni Ysa sabay hila sa kamay ni Maribella.

"YSABELLA! MARIBELLA! BALIK!" Pasigaw na tawag ni Iggy na nagpatigil sa kanilang dalawa. "Umayos nga kayo! UPO!" Singhal nito sabay turo sa sofa sa lobby.]. Napatigil silang pareho, nilingon ang galit na pinsan, natakot siya.

"Nandito na nga tayo di ba? Ano pa ang ikitataranta n'yo? Mawawala ba sila?" Muling pagsasalita ni Iggy, galit, nanggigigil.

"Maaaring nagpapahinga na ang mga yun." Sabi ni Alexa, tumingin ito sa relo. "O baka natutulog pa rin. On watch put sila kagabi di ba." Dugtong nito. Nagkatinginan sila ni Ysa. Maaari ngang tulog pa rin ang mga yun.

Sinilip niya ang kanyang cell phone para tingnan ang oras, alas singko ng umaga. Medyo nagliliwanag na.

"Inabot tayo ng mahigit tatlong oras sa dagat?" Tanong niyang pagbabalewala sa mga sinabi ni Iggy at Alexa. Nakatitig lang siya kay Balo. Nag-peace sign naman ito sa kanya sabay lingon-turo kay Iggy. Nakatayo lang nakatatandang pinsan nakatitig sa kanila, galit pa rin ang expression ng mukha nito.

"Utos ko sa kanya na bagalan ang takbo dahil hindi naman tayo nagmamadali at kung sakali mang may gulo dito, pwede tayong makabalik kaagad ng Ubay. Mas importante pa rin ang kaligtasan n'yo." Pahayag nito. Nagsalubong ang kilay ni Maribella.

Love Under SiegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon