⚠️ UNEDITED ⚠️
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
Love Under Siege
"Controlled Anger?"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
KINAUMAGAHAN, maagang nag-umpukang ang buong grupo ni Leland kasama ang dalawang ka-triplets na si Logan at Lance, ang kaibigan nilang si Gener at Anton, ang tatlong sarhento, ang mga tondo Boys, mga pinsan ni D'angelo at si Sarah na mukhang walang at alalang-alala para sa kaibigang nawawala.
"So... wife huh." Nakangising panimula ni Arkady, nanunukso. Nakipag-high five pa ito kay Mikael na palagi nitong kalapit kahit na minsan ay parang magpapatayan kung magbangayan sila.
"Shut up, Dick!" Angil ni Abner sa malokong kaibigan ngunit nakangiti na parang ngang nanalo sa lotto.
"Wow." Panimula ni Ishmael. "Umalis kayo kahapon na binata ka tapos bumalik kang may asawa na?" Dugtong ng kaibigan. Ngingiti-ngiti lang si Leland.
"Nagbunga lang naman ang inaalala niyang pinaghirapan." Biglang natawa si Leland nang sabay-sabay na lumingon ang lahat nang nakapalibot sa pinagsama-samang lamesa.
"For realz?" Nandidilat ang mga matang tanong ni Arkady.
"Di nga?" Paniniguro ni Renato.
"Ayan na naman tayo eh. Naglolokohan na naman tayo eh." Inis na sabi ni Ishmael. Padabog itong umupo.
"Someone's not in a mood." Puna ni Arkady.
"Barilin kaya kitang baliw ka." Inis na umang ni Ishmael ng M16 nito sa kaibigang tatawa-tawa.
"That's enough. Baka saniban ka ng mga demonyo at makalabit mo yang gatilyo niyan." Saway ni Abner sa mga kaibigang nagkakainisan na naman.
"What's today's line up?" Tanong ni Leland bago tumungga ng kape mula sa hawak na lata ng ginger ale.
"Ang aga niyang iniinom mo, Dave." Puna ni Abner sa kanya.
"What? This is just ginger ale." Sagot naman niya, tinitigan ang hawak. "Ano naman ang masama na uminom ng Canada Dry ginger ale ng ganito kaaga?" Dugtong nyiang tanong. Sinilip pa niya ang maliit na butas kung saan siya umiinom.
"Wala naman. Nakikita lang namin ang stress na gumagapang sa iyo dahil diyan sa iniinom mo." Seryosong sagot ni Ishmael.
"Stop reading me, Ish." Saway niya sa kaibigan. nagtaas ito ng kamay na parang sumusuko. "Anyway, what's today's line up?" Pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niyang nagiging sentro siya ng mapanuring mata ni Ishmael.
"Mike and Ark didn't sleep all night. Hinahanap ang huling location coordinates ni Fiona." Si Ishmael ang sumagot, naghihikab. Lahat sila ay walang tulog.
"Talagang wala pa?" Naaburido niyang tanong, umagang-umaga iniinis na siya ng pangyayari kahapon.
"Mas mabuti pa nung si Cliff ang leader ng grupo nila at least kahit papaano ay predictable ang kilos ng gagong yun. Iba si Imelda, she's so unpredictable. Sala sa init, sala sa lamig." Pagod siyang napasandal sa sandalan ng kinauupan.
Nasa Wendy's Stage sila. Maliban lay Gener, Lance, Logan at Anton, maaga pa lang ay naka-gear up na sila, camouflage pants, white fitted shirt, bulletproof vest, bulletproof baseball cap, guns and ammos. Nakasampay sa sandalan ng upuan ang kanilang mga camouflage jackets.
BINABASA MO ANG
Love Under Siege
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Life itself is full of twists and turns and surprises. After what had happened, Bella promised herself not to get close to any man anymore, even if she lives by herself, alone and lonely. After the death of his...