chapter 79: what she means to him

25 2 0
                                    

author's note: WAAAHHHHHHHHHHHH! READERS? still there? (hope so!)

well, ito na! oo ito na! sorry at naging on-hold ang story na eto for so long tapos hindi ko man lang nilagay na on-hold siya(peace!). i can't promise na by this week eh matatapos ko na but promies, pag-iisipan kong mabuti ang ending neto para naman makabawi ako sa inyo. so enjoy reading the (maybe) last 3 or 4 updates. just keep on waiting. patience is a virtue! :D

please do: comment(super need ko siya for my new upcoming book/s)

vote(hihi! if gora niyo)


Jiee's pov

HAAAA!

Halos malaglag na ang panga ko nung nakita ko ang loob ng kwarto ko. Grabe! Ang daming teddy bears at palaki ito ng palaki hanggang sa may mas matangkad na sa akin. Halos karamihan sa kanila ang color ay blue! Ang... ang....ang....

Waaaaah!!!!!!! Ang ganda! Ang saya! Ang waaaaah!!!!!!

Oo mayaman ako pero hindi man lang ako nagkaroon ng oras para gawing ganito kaganda ang kwarto ko! Iniisip ko kasi na sa future ko na lang gagawin to kapag may sarili na akong bahay para naman solong-solo ko na sila sa isang napakalaking mansion pero ang ganda nga pala talaga kahit kwarto ko pa lang ang napupuno.

Grabe! Ito na ata ang isa sa mga pinakamagandang bagay na nakita ko. PARADISE! HEAVEN! Waaaaahh! Ang lambot nilang lahat.

Habang busy ako na pinipisil isa-isa sa kanila bigla na lang nagdim ang lights at nagkaroon ng spotlight dun sa pinakamalaking blue teddy bear dun sa may bandang right ng kama ko. Huh? Buti buhay pa itong kama kong ito. Akala ko nilamutak na sila ng mga termites and other bed bugs.

Pero pansin ko lang din, bakit ang ayos ng bahay namin? Hindi kaya nagging janitor si Neil dito?

1 YEAR! Ano yon? Ginawa niyang tambayan ang bahay namin? Pero paano naman siya nakapasok dito? Eh ang laki kaya ng gate sa harap namin. Hmmmm... creepy na weird. Ewan!

Umupo ako sa upuan na ngayon ko lang napansing nakaharap pala dun sa spotlight area na sinasabi ko kanina. Maya-maya bigla na lang may tumugtog ng gitara.

Familiar itong kantang ito ah? Kung hindi ako nagkakamali ito yung "what you mean to me" ng sterling night. Naalala ko nung bigla itong plinay sa radio nung nasa sasakyan ako ni Allan tapos bigla na lang nagbagsakan ang mga luha sa mata ko kaya agad niyang sinuntok yung radio sa car niya kaya nag-stop pero sa sobrang depress ko nun hindi ko pinansin yung ginawa niya. Imbes na mashock ako dahil sinira niya yung radio sa kotse nya eh nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

Nung sumunod na linggo saka ko lang narealize yung ginawa niya nung nakita ko yung namamagang right hand niya. Baliw talaga nun! Gumastos pa tuloy para ipaayos ulit yung sasakyan niya. Tssk! Kung sabagay, mapera naman.

Ahy teka nga! Bakit ba ako nagflaflash back dito? Concentrate Jiee! Haixt! Nag-effort si Neil para dito. Ano ba!

Can't blame you

For thinking that you never really knew me at all

Hayan na! Nagsimula na niyang kantahin ang lyrics ng kanta. Ang kantang nagpaiyak sa akin dahil parang feeling ko noon eh pinapatamaan ako nung radio ni Allan. Yun tuloy tinamaan siya ng kamao ni Allan.

I tried to deny you

But nothing ever made me feel so wrong

Oo, ilang ulit mo nga naman akong dineny Neil. Ilang ulit nga ba? Meron ba? Oo, yung ideny mo yung friendship natin over love. That freakin' love. Freakin' love which made you happy and which made me miserable. At ngayon narealize ko na ang tanga ko nga talaga.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon