chapter 22.2: The Plan before the real Plan

67 3 2
                                    

Allan's pov

Ilang minuto na lang, uwian na naman. Hindi na ako makapaghintay sa ginawa kong sorpresa para kay Jiee.

Remember nung nag-promise ako sa kanyang pangingitiin ko ulit siya tulad ng dati?

Well, ayokong patagalin pa yun at ito na nga ang araw para dito.

Alam kong hindi pwedeng umuwi ng late si Jiee kaya agad na akong nagpaalam sa lola niya nung isang araw pa.

Nakakakaba nung una pero grabe ang cool ng lola ni Jiee.

Sana makilala niyo din siya.

Then next, sinasadya ko talagang mapikon siya sa akin para hindi niya muna ako ganoon kalubos na lapitan at matawagan ko yung mga kinontsaba ko.

At nagwork naman ang aking plano na maasar siya sa akin. Hahaha!

Hindi niya na ako nilapitan pagkatapos kumain kanina. Halata talaga sa mukha niya na pikon na siya.

Yun nga lang, hindi kami makakasabay kina Marvin ngayon.

Salamat na din sa kanila kanina dahil kahit hindi nila alam yung plano ko eh sumasaktong inaasar nila si Jiee.

Grabe! Kung nakikita niyo lang kung gaano siya kapula kanina. Ang cute! Parang stuff toy na kamatis. Hahaha!

Last subject na itong theology kaso hindi ako makaconcentrate. Kinakabahan kasi ako. Iniisip ko na baka pumalpak ako mamaya.

Kailangan kong maging kalmado mamaya. Dapat hindi ako mag-over react kasi baka mamis-interpret ni Jiee yung gagawin ko at akalain niyang date talaga yun.

Patay na kapag nangyari yun. Gusto ko kasi maging relax lang si Jiee mamaya. Gusto ko lang eh makalimot muna siya sa mga iniisip niya. Lalo pa at medyo stress na din siya sa dami ng activities.

Paano ba naman, sa magkakaibang subject at magkakaibang groups eh halos siya yung laging leader.

Kawawa nga siya minsan eh. Takbo dito, takbo doon.

Haaay! Hambalusin ko sila eh. Pinapahirapan nila si Jiee.

Relate kayo? Ganyan naman ang college life di ba?

Oo maraming free time depende sa nakuha mong sched pero kapag nagbagsakan ang sandamakmak na projects,assignments, at group works eh wala ng time para ngumanga ka pa.

Tsaka kahit naman minsan eh may pagkatopak si Jiee, oo ang lakas ng topak nun minsan, eh malaki pa din naman ang concern niya sa pag-aaral. Isa siyang napaka- responsible na leader kaya kahit hindi pa ganon magkakakilala eh madami na ang nagtitiwala sa kakayahan niya.

Haaaay ano ba yan! puro Jiee na ang bukambibig ko sa inyo.

Sa tingin niyo?

Kakayanin ko pa bang itago yung nararamdaman ko sa kanya?

Ni hindi ko pa alam ang past niya kaya natatakot akong umamin agad kasi alam kong hindi pa ito yung tamang panahon para diyan.

At ayokong mapahamak si Jiee.

Sa dami ng mga babaeng maintriga dito eh baka saktan nila siya kapag bigla akong mawala. At kapag

Buti nga kinakaya pa nila akong makasama.

Minsan hirap silang kumain ng lunch kasama ako kasi laging nakatutok sa amin yung mga ibang tao habang kumakain kami.

Minsan kapag naglalakad naman kami sa hallway eh ang daming tsismisang nagaganap at minsan ah masasakit na mga sinasabi nila.

Pero lagi nilang sinasabi sa akin na ok lang yun para sa kanila kasi nga magkakaibigan kami at walang iwanan.

Na-touch nga ako sa sinabi nilang yun eh kahit corny! Kasi ngayon lang ako nakahanap ng mga totoong kaibigan. Hindi yung mga kaibigang nandyan lang kapag alam nilang sikat makakasama nila.

Para kina Marvin, Ray, Haley, Ria, Jiee at Mhikayla hindi basehan ang estado sa buhay sa pagpili kaibigan.

Tsaka hindi sila maarte. dati kapag kumain aki ng street foods eh ang laking issue na para sa mga kaibigan ko.

Pero ngayon nararanasan ko na ang maki-share ng kahit anong pagkain sa kanila.

Wala na akong pakialam ngayon sa kung ano ang nakikita ng mga tak sa akin.

Ang pagiging sikat ko eh nasa nakaraan na. at ang nakaraang iyon eh dapat ko ng iwanan.

Nasa present na ako ngayon at ito na ang aking bagong buhay kasama ng mga kaibigan kong tunay.

Oha! Ngayon bahala na kung may magalit man sa akin at pagsawaan nila ako.

Ang dahilan lang naman kung bakit nila ako tinitingala ng ganyan eh kasi alam nila na anak ko ng isang napakasikat at napakayaman na businesman dito sa amin at dahil gwapo ako.

Kung wala yang mga yan, sa tingin niyo titilian pa ba ako ng mga babae sa hallway? Matatakot pa ba ang mga lalaki sa school namin? Makikilala ba ako agad ng mga professors at instructors dito?

Ano sa tingin niyo?

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon