Neil's pov
Okay, I'm all set. Pati si Jiee ready na din.Binilhan ko din siya ng tuxedo. Bahala na kung anong sabihin nila. Basta hindi ko kayang iwan si Jiee dito noh. Magkasama kami saan man ako magpunta.
Lumabas na ako ng bahay dala si Jiee at isang regalo na hindi ko naman talaga sigurado kung para kanino. After a few minutes, dumating na ang isang limousine. Pagpasok ko, color blue ang nasa loob. May naririnig akong mga pamilyar na boses na feeling ko eh nasa loob din ng limousine na ito. Pati sila? Hmmmm. Nakakapagtaka.
Mhikayla's pov
All done! Preparation complete. Haaay ang bongga talaga ng debut na to. Pero kinakabahan pa din ako sa susundo sa akin. Sana naman magkakasama kami nila Mikko. Ayokong ma-op dun.
Pagkalabas ko ng bahay, nag-aabang na sa akin ang sundo ko. Dun sa second door ako pinapasok at nakita kong andun na si Haley at Ria sa loob kaya nabawasan ang kaba ko. Lahat kami nakasuot ng blue. Kulang na lang si Jiee dito.
May mga mahinang boses kaming naririnig. Parang familiar. Boses nila Mikko, Marvin at Ray. So andito na din sila. Kaso baka sila yung nakasakay sa front seat. Ang haba naman kasi ng limousine na to. Bale 5 doors yung nakita ko kanina. Akala ko nga magkakarugtong, kaso pagpasok ko eh may mga harang pala. Hanggang ngayon kahit alam naming si Chelsea ang magdedebut eh hindi pa din mawala sa isip ko na parang hindi siya. Hula lang naman talaga yun eh. Hindi naman talaga namin na-prove. Feeling ko may something na iba. May malaking event na mangyayari. Hindi ko lang talaga maisip kung paano tatanggaping ito na nga yon.
Oo, iniisip kong si Jiee pa din ito pero inuunahan ako ng doubts kaya hindi maitatak sa isip ko ang lahat ng nangyayari ngayon. What if siya na nga? Ready na ba kami para dito? Magiging ganon pa din kaya tulad ng dati?
After ilang minutes nakarating din kami. Sabay-sabay bumukas ang pinto at isa-isa kaming bumaba. Sa left side eh nakita ko si Neil kasama ang teddy bear ni Jiee. As usual, lagi niyang kasama yan. Sa right side naman namin eh nakita ko sina Mikko, Marvin at Ray. Pakaway-kaway pa sila. Sabi na nga ba eh. Sa right side naman nila Mikko eh a couple of BFF University students pero ang konti. Sa right naman nila eh si Angel? Like woah? Is this for real? Hindi sila magkasama ni Neil? I have no news na kung anong nangyari sa kanila. Kumalat na lang ang tsismis na nagtransfer na si Angel. So confirmed? Break na sila ni Neil. Teka naging sila nga ba?
Let's go girls!
Isa-isa kaming inalalayan nila Mikko, Ray at Marvin papasok sa building na nakatambad sa amin. Grabe ang laki. Nakakalula. Made of glass, ang yaman. Tapos tiles pa yung flooring. Ang bongga talaga!
Pagpasok nagflash sa amin ang napakaraming ilaw ng cameras. Para kaming nasa awards night ng mga artists sa hollywood. Ang linis, ang ayos ng hotel o mall na ito. Tska bakit parang may press? Ahy ang gara talaga. Bigatin nga ang kompanyang ito.
Sir/Ma'am, this way to the function hall. Follow me.
Ahy grabe talaga! Kayo na mayaman. Sila na talaga. Tumaas kami sa 5th floor ng building na ito at umupo sa reserved seats para sa amin.
Para kaming nasa gitna ng sky and ocean. Blue ang motif ng event with some shades of pink and violet. May nga designs ng naglalakihang masks sa mga walls ng hall. Tapos nakabitin sa itaas ang mga naglalakihang glass na may ilaw sa loob na nagbibigay liwanag sa buong hall . Chandelier pala ang tawag don. Hahaha! Nawala sa isip ko. Lahat ng mga taong pumapasok eh parang malalaki at bigating tao. Karamihan sa kanila eh mga businessman. Kung hindi ako nagkakamali, ang iba sa kanila ay nakita ko na sa tv, newspapers, at magazines. Grabe! Nakakahiya na. Nagtataka na din ako, bakit pa kami nainvite dito. Sure bang invited kami? Baka maling tao ang napagbigyan nila ng invitation. Nagkataon lang na magkakapangalan kami.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
