Jiee's pov
Nakakamiss din pala ang quantum! Hahaha! Yup! Nasa quantum kami ngayon ni Allan at hindi namin tinitigilan itong basketball something na to. Ayoko nga magpatalo. Nek! Nek! nya noh!
Pinagtitinginan na kami ng mga tao kasi ang ingay naming dalawa. Hindi ako marunong magbasketball pero addicted ako sa larong ito dito sa quantum kaya naman malaking disappointment sa akin kapag natalo ako ni Allan. Feel na feel ko kasi talaga ang larong ito.
Shoot! Dikit na dikit ang laban. 1 minute na lang ang natitira Medyo pinagpapawisan na din ako. Pero kahit wa-poise na to, hindi talaga ako papatalo!
Shoot! Shoot! Shoot!
eeeenk! Yung isa sumablay, baka maabutan ako ni Allan. 10 seconds na lang ang natitira. Yung mga taong kanina pa nanonood eh nagcount-down na. Wow ha! Parang totoong basketball game.
Shoot! 5....4....3.....2...1!!!!!!!
Waaaaaahhhhh!!
Nagsigawan yung mga tao sa quantum, pagkatingin ko sa scores namin ni Allan waaaahhhh! IT'S A TIE!PSSSSH!
Sayang! Biglang bulaslas ni Allan. Sabay nalang kaming napaupo sa sahig. Parang lahat ng energy naming lumabas kanina eh na-drain.
After ilang seconds, nawala na din yung mga taong nanonood sa amin. Niyaya ko na si Allan na lumabas at pumunta muna sa veranda nung mall para magpahangin.
At para .... uhmmm ... Hindi! Wag na lang kaya?
Pagdating sa labas, agad kaming umupo ni Allan sa isang bench. Ang sarap ng simoy ng hangin.
Dapat hindi ka nagpapatuyo ng pawis kasi sisipunin ka. Kinuha niya yung panyo niya at pinunasan yung noo at buong mukha ko.
Thank you daddy!
Para kasi siyang daddy ko eh. Kung mas maliit pa siguro ako ng konti sa kanya, malamang paghihinalaan nilang anak talaga ako neto. Marami na nga ding nagsasabing magkamukha na kami eh. Siguro kasi laging magkasama. Ganyan din kami ni Neil dati kaya feel na feel kong baby sister niya ako and vice versa.Speaking of Neil, magkikita nga pala kami bukas. Excited pero kinakabahan pa din ako.
Daddy? More like boyfr.... Ahh nevermind.
Bakit hindi niya tinuloy? Oo, alam ko naman na yung sasabihin niya. More like boyfriend pero nakakapanibago lang, bakit hindi niya tinuloy? Tapos medyo cold ang pananalita niya. Masyado ba siyang napagod talaga? By this moment, dapat pikon na ako sa pang-aasar niya eh.Allan, is there something wrong?
A lot Jiee, A lot ....
What do you mean?
Medyo naweweirduhan na ako sa kanya. Buti na lang bihira lang ang tao dito ngayon. Siguro naman medyo magandang lugar na to para mag-usap. Itutuloy ko na.Aamin na ako, hindi naman ako pusong bato eh kaya alam ko may something dito kay Allan pero ayoko lang na manggaling sa bibig ko kasi baka hindi naman pala yon ang exact na mga salita at magdulot pa ito ng misunderstanding.
Nung sinabi sa akin ni Allan yung linyang bakit may mga taong ang hilig magbulagbulagan, umilaw yung pundido kong lightbulb sa utak. Then suddenly, naisip ko na lang, possible kayang kaya walang lovelife itong si Allan kasi may gusto siya sa akin?
Kanina gusto kong yayain siyang kumain para mas makapag-usap kami kaso naakit kasi ako sa quantum eh. I want to clear things out kasi lately medyo nagiging awkward na kami ni Allan. Para bang nagkaroon kami ng distance mula nung dumating kami dito sa Phil. Parang medyo umiiwas siya at natatakot ako na one day bigla na lang siyang mawala. Hindi naman kami ganito noon sa states. Pagdating dito parang naging limitado ang mga galaw niya at medyo namimiss ko na yung dating siya. Kanina nga nasagi pa sa isip ko na sana hindi na lang kami bumalik dito kung magiging ganyan lang din naman pala siya.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Genç KurguIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...