Mikko's Pov
Sa sobrang taranta ko eh sa ospital ko na diniretso si Jiee. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin kapag hinimatay siya. Gusto kong tawagan si Allan pero natatakot ako baka magwala yun. Baka masugod pa niya si Neil kung sakaling malaman niya ito. Bawal magkagulo sa christmas fair. Bale bukas na kasi ang main event at grand closing ceremony kaya mahirap ng may masira doon.
Chineck na ng mga nurse si Jiee at nagpapahinga na lang ito. Sabi ng doctor, tawagin ko sila agad kapag nagising na siya. Kawawa naman si Jiee kay Neil. Dapat talaga kay Allan na lang mapunta ang puso ni Jiee.
Ano ba kasi talagang role ko dito? Taga-analyze ng lovelife ni Jiee? Ewan pero bigla na lang akong naging fan ng lovelife ni Jiee. Para kasing ang exciting eh tapos ang daming connections na hindi pa naicoconnect. Magulo man eh ang sayang idiscover.
Mikko? Nasa ospital nanaman ba ako?
Ah oo Jiee, pasensya ka na ha. Nataranta kasi ako.
Ok lang. So nakita mo?
OO, Lahat.
Nakakahiya noh! Ang tanga ko.
Nope! Tama lang ginawa mo. Jiee alam ko wala akong sa kalagayan mo pero masaya ako kasi nagawa mong ipaglaban ang sarili mo.
Pero nasaktan ko ang best friend ko.
Best friend nga ba Jiee?
Ang mahal ko.
Haaaayyy! Stop worrying too much Jiee. Alam mo tulad ni Neil siguro nabubulag ka lang din o nanlalabo mga mata mo, darating yung araw na lilinaw din yan. Wag kang mag-alala.
Sana nga Mikko, sana maging malinaw na sa amin ang lahat.
Ahy nga pala, saglit lang ha. Kailangan ka daw kasing makausap ng doctor mo, tawagin ko lang siya.
Agad akong lumabas para tawagin ang doctor ni Jiee. Naghintay na lang muna ako sa labas ng kwarto niya kasi mukhang seryoso yata ang pag-uusapan nila. Nung una tahimik sa loob pero ng tumagal eh narinig kong umiiyak nanaman si Jiee.
Bakit kaya?
Wag naman po sana! Please wag naman sanang tama ang iniisip ko.
Jiee's pov
Pagkalabas ni Mikko, ilang minuto lang eh pumasok na sa loob ang doctor. Nung una kinamusta niya ako hanggang naging seryoso na ang usapan. Sinabi niya na kung magpapatuloy raw akong ganito eh mas maganda ng magpa-heart surgery na ako kesa lumala pa ang muscle imbalance sa puso ko at baka tuluyan na akong magkabutas sa puso.
Kaso sa america lang daw mayroon ang ganitong operasyon. Meron sa Pilipinas kaso hindi ganon kasigurado. So kailangan kong pumunta ng america. Aalis ako at iiwan ang mga kaibigan ko. Hindi ko ata kakayanin to.
Jiee, ito na lang ang tanging paraan. Kailangan mo ng magpaopera as soon as possible kasi kung hindi eh kahit anong take mo ng gamot, magkakabutas at magkakabutas ang puso mo.
Kung alam niyo lang doc, matagal na po itong butas.
Sasabihin ko na ito sa Lola mo, para mainform sila. Sorry iha, alam kong marami kang maiiwan pero para ito sa ikabubuti mo. Pwede mo naman silang balikan eh kapag natapos na ang operasyon.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
