Chapter 5: A for EFFORT

112 6 0
                                        

Jiee's Pov

Kinagabihan, pagkauwi ko sa bahay at pagkatingin ko sa phone ko ay tambak nanaman ng mga messages galing kay Neil. Puro sorry sorry sorry. Pero ang sakit talaga sa loob ko yung ginawa niya kanina. Yung masabihang next ka na lang kahit ikaw naman yung nauna. Alam naman niyang madali talaga akong magtampo sa mga ganyang bagay pero hindi siya natututo at ginagawa pa rin niya.

Hiyang-hiya din ako kay Allyssa kanina pero dahil sa ibang klase niyang pagcomfort eh agad namang gumaan ang loob ko. Nakakatuwa talaga siyang kasama. Siya yung taong minsan masaya, madalas nakakairita pero sa oras na mga gaya nung kanina, talaga nga namang naramdaman kong hindi lang si Neil ang kaibigang mayroon ako. Siya ang kauna-unahang taong naiyakan ko ng ganoon dahil amdalas kung nagkakaproblema kami ni Neil ay ako lang mismo ang nagcocomfort sa sarili ko dahil noon, si Neil lang talaga ang natirang kaibigan ko. Little by little narerealize kong may magandang dulot rin pala ang college life sa pagiging emo ko dahil kahit papano nakakatuklas ako ng mga bagay bagay na hindi ko man lang nagawang tuklasin noon.

Days passed by at hindi na muna ako nagparamdam kay Neil, in other words, tinataguan, iniisnob sa text, at iniiwasan ko siya dahil masama pa rin talaga ang loob ko sa ginawa niya. Ayokong magdrama at makagawa ng mga desisyong ikakasakit ko kaya mas ginugusto ko munang umiwas para makapag-isip ako ng mas tama. Okay lang naman kasi kahit papano hindi ako iniiwan ni Allan na lately todo talaga ang pagsama sa akin, dagdag mo pa si Ray at Mhikayla na lagi kong kasabay kumain ng lunch. Kung dati rin, itong si Allyssa, napakailap kay Mhikayla na akala mo naman may atrasong malaki sa kanya si Mhikayla eh pagdaan ng mga araw ay nalalapitan na rin niya. Weird nga eh, ngayon ko lang napansin na hindi gaano si Allyssa sa mga babae. Minsan naririnig kong sinusumpa niya sila kahit mukhang hindi naman niya sila kilala. Kaming dalawa nga lang ni Mhikayla ngayon ang nalalapitan at nakakalapit na babae sa kanya. Hindi pa namin ganoon kakilala ang isa't isa dahil malimit lang din naman kaming magkwentuhan. Nahihiwagaan na nga din ako sa ikinikilos minsan ni Allyssa kaso hindi ko naman siya matanong nang diretso kung ano ba talagang issues niya sa mga babae at bakit pati si Mhikayla na sobrang bait eh feeling niya isang napakasamang babae. Ako rin kaya nung una pinagisipan niya ng ganon? Wala naman akong karapatang magreklamo dahil baka may pinagdadaanan lang din siya pero atleast ngayon medyo nagiging comfortable na kaming lahat sa isa't isa.

Naku Jiee and friends na nga talaga ito! Kesa naman magmukmok di ba? Tsaka siguro tama si Sir Saychi, instructor namin sa Psychology, ang college ay time for new beginnings and isa na roon ang new set of friends kasi nga kahit anong pilit mong i-balance ang time mo with your old friends is andun pa rin ang distance. Well hindi naman niya sinabing kalimutan natin ang mga nakasanayan pero dapat matuto tayong tumanggap ng mga bago dahil sa mundo ng kolehiyo, lahat ay pwedeng magbago at hinding hindi mo maprepredict kung ano at sino at mananatili sa'yo at ang kakayanin mong panatilihin sa buhay mo dahil maging ang subjects mo, minsan naibabagsak mo kahit na todo mong pinagrereviewhan ang mga ito. YAH! Ano ba itong ginagawa ko? Kung ano anong hugot ang lumalabas sa utak ko >.<.

At ito nanaman ang pinaka ayaw kong moment, since break na naman namin, yung class naman nila Neil ang gagamit nitong room namin. At since nasabi ko nga kanina na medyo iniiwasan ko siya, okay hindi medyo dahil iniiwasan ko naman talaga siya, eh ilang days na rin akong pumipili kung saang door dapat lumabas kasi ayokong makasalubong siya. Ayokong magkrus man lang ang mga landas namin kasi nga nagtatampo pa ako sa kanya. At wala kayong magagawa kasi pabebe girl ako! Nagagaya ko nanaman si Allyssa.

At sa tatlong beses ko na itong ginagawa, tatlong beses akong palpak. Naman eh!

FIRST ATTEMPT: Dito ako ngayon lalabas sa front door kasi dun naman siya pumapasok sa back door lagi. Kaso...

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon