_____ pov
Limang buwan. Namimiss ko na siya. Yung tawa niya, ngiti niya, ang boses niya at ang buong siya.
Naririnig niya kaya ako? Naririnig niya kaya ang araw-araw na kwento ko? Nararamdaman pa kaya niya ako?
Araw-araw ko siyang dinadalaw, lagi akong may dalang mga bulaklak baka sakaling maamoy niya ang matatamis na scent ng mga ito. Lagi ko siyang dinadalhan ng blue na rose, sana makita niya ang mga yon.
Jiee! Bumalik ka na sana........
Angel's pov
Grabe! Ang sakit makita si Neil na ganito ka-miserable and it's all my fault. Tama sila, kabaliktaran nga ako ng pangalan ko.
Nakakainis! Masakit pero hindi ko na kaya eh. Napasaakin nga si Neil pero hindi ang puso niya.
Mula ng nalaman niyang umalis si Jiee, nagbago na siya ng tuluyan. Hindi na siya nagbibiro, naging seryoso, laging puyat kakaiyak, gabi-gabi nakikinig ako sa mga drama niya at ang malala sa bawat date namin hindi nawala sa isip niya si Jiee at lagi niyang dala yung teddy bear na pinangalanan pa niyang Jiee.
Hindi ko akalaing nagawa ko ang lahat ng ito kay Neil. Ang sakit kasi sa bawat araw na kasama ko siya, lagi niya akong naikukumpara kay Jiee na dati eh hindi naman niya gingawa.
Naging mareklamo na din si Neil tulad sa pananamit ko, bakit daw masyadong maikli, si Jiee hindi daw kayang magsuot ng ganito, bakit daw ang tipid kong kumain, alam ko ba daw na si Jiee parang baboy kumain yon kahit na payat.
Minsan pa sinabi niya sa akin na dapat daw alam kong magluto kasi daw si Jiee magaling at masarap magluto. Tapos binilhan niya ako ng food sabay sabing lahat yon paborito ni Jiee.
Lagi ding lumilipad ang utak niya. Minsan kinakausap ko siya pero nasa malayo lang ang tingin niya at hindi sumasagot.
Ok fine! I get it. Mahal niya naman talaga si Jiee eh pero binulag ko lang siya sa sobrang galit ko kay Jiee. Pero imbes na si Jiee ang magsuffer eh ngayon si Neil ang nakikita kong nagdurusa.
Ang swerte mo kasi talaga Jiee eh. Laging may sumasalo ng mga parusang dapat sa'yo.
Kaya ayan, hindi ko na talaga kinaya, sinabi ko na kay Neil lahat. Alam ko pagkatapos nito itatakwil ako ni Neil, at kahit saktan pa niya ako tatanggapin ko, after all, ako naman talaga dapat ang sisihin dito eh. Pero sana mapatawad pa niya ako. Jiee naman kasi eh, napakaduwag mo talaga. Umalis ka na nga, iniwan mo pa yung taong pinakamahalaga sa'yo. Tanga ka din eh. Hindi ko akalaing isusuko mo na lang siya sa akin ng ganon kadali.
Haaaay! Sa loob ng school na to nagsimula ang lahat. Ang ganda ng school pero ang pangit ng nakaraan namin dito. Lalo na si Neil na nabalot ng kasinungalingan ang high school life niya dagdag mo pa ngayong college na siya.
Sorry Neil pero don't worry, sasabihin ko ang lahat sa'yo para magising kana. Handa na akong masaktan nanaman.Handang-handa na.
Neil's pov
Matapos naming malibot ang school eh pumunta kami ni Angel sa BFF University kung saan ito ang present school namin ngayon. Pumunta kami sa likod ng gym at nagsalita nanaman si Angel.
Neil, unang araw ko dito sa school na to, pinadukot ko si Jiee para dalhin dito. Isinabit ko siya ng patiwarik dun sa itaas bilang pagwelcome sa kanya.
Grabe! Hindi lang pala sadista itong si Angel eh, may ibang pag-iisip pa siya. Napaka-evil!
So tama ako ng hinala, nagkita na sila bago ko pa makita si Angel kaya hindi na ganoon kabigla si Jiee nung nagkausap kami ng tungkol kay Angel. At nagsimula ng malayo nanaman sa akin ang loob ni Jiee kasi umiiwas na siya sa maaaring mangyari. Hindi niya nanaman ito sinabi sa akin para hindi ako magdalawang isip. Jiee, bakit ba kasi ang bait mo sa akin? Tuloy, nasasaktan ka pa dahil sa mga ginagawa mo. Grabeng sakripisyo na yon.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
