Jiee's pov
Pagkapasok ni Neil sa cr, agad akong umupo at nagmuni-muni. Hindi naman siguro niya talaga narinig mga sinabi ko noh? Haaay! Mahimbing pa tulog niya kanina. Hinahaplos ko pa nga ulo at pisngi niya eh. Di sana kung gising siya eh nagreact na siya or what.
Maya-maya lang lumabas na siya sa cr at inayos na ang kakainin namin. Hmmmm! Gutom na din talaga ako. Buti na lang hindi siya ganoon katagal maligo.
Inaayos niya yung higaan ko ng hindi niya namamalayang napapalapit na siya sa akin. Kanina ko pa siya kinakausap tapos hindi naman sumasagot. Baka gutom na din o kulang sa tulog. Napapalapit na siya masyado sa akin kaya nagsalita ulit ako.
Tapos bigla na lang siyang umatras at nagpaalam na may kukunin daw sa baba. Mauna na daw akong kumain. Edi ok po! Gutom na kaya ako. Nagwawala na mga crocodile sa tiyan ko eh. Ang sarap pa naman ng mga pagkain sa harap ko.
Lumabas na siya ng kwarto kaya naiwan lang kaming dalawa ni Jieeneil(yung tidibir) sa kwarto.
Ano naman kayang nangyari dun?
Bahala nga siya. Wala tuloy akong kausap. Matawagan nga sila Allan. Namimiss ko na sila.
Hello? Allan pwede video call?
Hahaha! Gusto ko nakikita ko sila eh. Pagka-on niya ng camera ng cp niya, nag-aagawan na sila dun sa phone kaya nalilito ako kung sinong kakausapin ko.
Jiee! Miss na kita!
Sigaw ni Marvin habang hawak yung phone
Baby Jiee! Look at this oh! Nagdrawing ako ng tididir kasi miss na kita!
Sumbat naman ni Mhikayla nang maagaw niya yung phone.
Baby Jiee! Susunduin ka naming lahat bukas ha. See you!
Sabay namang sabi ni Ria at Haley! Magbest friend talaga silang dalawa. Parehas ng nasa isip, parang kambal.
.......... Miss you Jiee!
Plain namang sabi ni Ray habang nakatutok pa din sa tab niya.
Grabe talaga sila. Ang saya nilang panoorin. Habang kumakain ako, nakikipagkulitan lang ako sa kanila. Wala si Neil eh. Iniwan ako.
Neil's pov
Nagpahangin lang ako saglit at agad ko ding binalikan si Jiee. Pagkarating ko sa tapat ng door niya naririnig ko siyang nagsasalita. Sino namang kausap niya?
Binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan. Hindi naman niya ako napansing nasa loob na.
Aaaaah! Uhmm. Ang sarap noh! Gusto niyo pa?
Sinasabi niya yan habang itinututok yung pagkain sa harap ng cp niya at saka niya sasakmalin.
Ang-asdfghjkl shalap noh!
Yan, hindi na maintindihan yung sinasabi niya. Punong-puno na kasi bunganga niya.
Ha? Bakit kailangan picturan niyo pa ako? Uhmmm. Sige na nga!
At yun na. Nagpose na siya ng iba't ibang pose. Hahahaha! Talagang hindi pa niya nararamdamang andito lang ako sa tabi niya.
Wow! Ang ganda ah.
Waah! Sige mamaya na ulit ako tatawag! Bye! Miss ko na kayo!
Sabay patay sa cp niya. Hahaha! Nagulat ko ata.
Kanina ka pa diyan? Hehe!
Secret! Kain na tayo best. Subuan mo ako.
Hahaha! Ang weird ko kasi kanina eh. Medyo nahanginan na ako kaya medyo ok na. Mabilis pa din ng kaunti ang tibok ng puso ko pero hinahayaan ko na lang. Ewan ko kung anong nangyayari sa akin. Alam kong hindi normal ito pero ayokong sayangin ang pagkakataong kasama ko si Jiee at ayokong makain ako ng pagkailang ko.
Blehh! Iniwan mong kumakain mag-isa yung pasyente mo. Kumain ka din mag-isa. Maliligo na ako para makauwi na tayo.
Ahy ano ba yan. Sablay ang da-moves ko sa kanya. Bakit ko pa kasi siya iniwan kanina?
Well sorry naman. Nagulat lang kasi parang malalaglag na ang puso ko kanina.
Matapos maligo ni Jiee, inayos na namin ang mga papers niya. Kinausap siya saglit ng personal doctor niya at binigay ang medical certificate niya.
Nagtaxi na kami pauwi. Sorry naman wala akong kotse eh. Hindi pa ako marunong mag-drive.
Pagkapasok sa taxi, agad pumikit si Jiee at natulog nanaman. Hindi na kaya siya nagsawang matulog?
Hamster talaga. Buti din hindi siya nahihiyang matulog at pumikit na lang. Madami kasing babae ngayon na kahit inaantok na eh pinipigilan pa din ang tulog kapag nasa labas kasi daw nakakahiya mga itsura nila kapag nakatulog. Samantalang itong katabi ko, kahit na nakanganga na eh sige tulog lang ng tulog.
Hindi ko na siya inistorbo, baka mahina pa nga talaga ang katawan niya at kailangan niya ng pahinga.
Pagkaliko ng taxi, biglang napasandal ang ulo ni Jiee sa balikat ko. At maya-maya naramdaman ko nanamang tumitibok ng malakas at mabilis ang puso ko.
Nararamdaman niya kaya iyon? Wew! Wag naman sana. Nakakahiya. Pero nakasandal siya sa balikat ko, baka magising pa siya sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Oh no!
Best! Puso mo baka lumabas na.
*lunok* Kasasabi ko lang na sana hindi niya maramdaman, nararamdaman niya pala. Neil naman eh, huminahon ka naman na oh! Nakakahiya.
Siguro nakita mo cras mo noh! Nakapikit kasi ako. Pakisabi kapag nakita mo ulit siya, sorry kasi kasama kita ngayon.
Hindi mo naman kailangang mag-sorry best eh kasi ikaw ata ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko ng ganyan kalakas at kabilis.
Pero alam naman nating dalawa na nalilito lang tayo sa nararamdaman natin.
Nang makarating kami sa bahay nila, inihatid ko siya sa loob at nagpaalam na ako sa kanila. Kailangan ko na din kasing umalis at baka tuluyan na ngang mahulog ang puso ko sa harap ni Jiee.
Kanina sa ospital, alam ko ng weird nga ang pagtibok ng puso ko ng ganon kalakas at kabilis pero wala naman akong magawa para pahintuin ito. Kasi gustuhin ko man eh mamamatay ako.
Pero Neil wag mo naman sanang isipin na may feelings ka ulit para sa best friend mo. Remember? Gusto mo pa ngang ayusin ang relationship niyo ni Angel.
Siguro medyo natatamaan lang ako sa mga sinabi ni Jiee kanina. Na nakakaramdam siya ng selos kapag kasama ko si Angel pero nakakaramdam din naman ako ng selos kapag kasama niya si Allan. At yung may tao siyang hinahanap. Ako din naman ah, pero ngayon nahanap na ako ng taong hinahanap ko. At sana mahanap na din si Jiee nung taong hinahanap niya.
Ang dami talaga naming pagkakaparehas ni Jiee na kahit hindi man halata eh bigla na lang naming nalalaman unexpectedly. Kaya siguro magbest friend talaga kami.
MAG BEST FRIEND LANG KAMI </3
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
