a/n: Medyo hahabaan ko na ang chapter na ito pero bibitinin ko ulit kayo kasi magiging busy ulit ako. By this time sobrang saya ko kasi grabe 900 reads na and we're close to 1k so to all readers THANKS A LOT AND GOD BLESS!
Neil's pov
Kasama ko ngayon si Angel sa isang pancake house. Dito kami madalas magpunta noong high school kami. Namiss ko to.
Maraming nagbago sa kilos ni Angel ngayon. Pero ganon talaga kasi nag-stay pala siya sa states. Nagkaroon daw sila ng family problem kaya pinilit siya ng mom niya na kunin at pag-aralin sa ibang bansa. Hindi na din daw siya nakapag-paalam sa amin nun kasi sapilitan talaga siyang kinuha ng mga body guards ng mama niya.
Habang sinasabi niya ang lahat ng iyon, naging malungkot ang atmosphere naming dalawa. Pero nagkaroon ako ng mas malaking pag-asa na maibalik sa dati ang lahat.
Habang nagsasalita siya, bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at nagbitiw ng mga salitang panghahawakan ko hanggang mangyari nga ang mga gusto naming dalawa.
Neil, thank u for giving me another chance, sana maibalik natin sa dati ang lahat.
Ngumiti lang ako at hinawakan rin ang mga kamay niya.
Pero bago ko makalimutan, may dapat pa akong itanong sa kanya.
Ah Angel, nagtataka lang ako, kaibigan pa ba ang tingin mo kay Jiee? I mean, ano ba talagang nangyari sa inyo?
Me and Jiee are not friends anymore, maybe enemies for her. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Jiee, bigla na lang siyang naging masungit sa akin nung nalaman niyang you and I are dating. Hindi na niya ako pinapansin, minsan nga feeling ko plinaplastik na niya ako.
But knowing Jiee, hindi ganyan ang ugali niya.
You might not know her that much. Let me ask you this, ilang years na ba kayong magkakilala?
2 years and a half. Ganon din sa'yo.
Pero you and I are dating so mas kinikilala natin ang isa't isa at mas kilala natin ang isa-t isa kasi mas normal tayong gawin lahat ng gusto natin coz' we have a deeper relationship.
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. At iniba ko na agad ang usapan. Hindi ko gustong pagdudahan si Jiee pero marahil may point din naman si Angel. Pero hindi lang ako makapaniwala na magagawa ni Jiee ang ganon.
Kaya ba lagi siyang umiiwas kapag gusto kong magsama-sama kaming tatlo. Pero hindi naman nabanggit ito sa akin ni Jiee dati. Bakit hindi niya sinabing nagseselos na pala siya kapag kasama ko si Angel. Bakit hindi niya ako diniretso. Pero nakakasama ko naman si Jiee at hindi talaga ganon ang pagkakakilala ko sa kanya. Mabait si Jiee at hindi marunong magtanim ng galit sa mga tao.
Tsaka bakit naman niya pagseselosan ng ganon si Angel? Hindi talaga ako makapaniwala.
Inihatid ko si Angel sa hotel kung saan may condo unit siya at umuwi na din ako. Nagstay muna ako saglit sa park at nag-isip isip.
Sino bang dapat kong paniwalaan? Yung best friend ko or yung taong mahal ako? Mahal ko silang pareho pero alam naman nating may pagkakaiba sa pagmamahal na ibinibigay ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko maintindihan. All this time, wala na akong ginawa kundi ayusin ang friendship namin ni Jiee. Maibalik yung trust pero bakit parang ako naman ngayon ang nawawalan ng tiwala sa kanya.
Bakit ganito? I feel betrayed by my best friend. Kaya ba hindi niya ako mapagkatiwalaang lubos muli kasi may kasalanan siyang nagawa? Kaya ba hindi ko na maibalik sa dati ang lahat kasi wala naman talagang dapat ibalik sa aming dalawa ni Jiee?
Talaga bang hindi ko pa kilala si Jiee? At kaya ba madali siyang napalapit kay Allan?
Hindi dapat malaman ni Jiee na alam ko na ang mga ito. Maraming nasabi si Angel na kadudaduda pero kailangan ko munang obserbahan si Jiee. I will act normal at dun ko kikilalanin si Jiee.
Kapag napatunayan kong ganon nga talaga siya ay hindi ako magdadalawang isip na tapusin ang friendship namin. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ibinigay ni tadhana ngayon para sa aming dalawa ni Angel.
Alam ko masamang pagdudahan ang best friend pero nandito na eh. Nasimulan ko ng magduda sa mga bagay na ngayon lang nabigyan ng linaw at mas malaking proweba na pagdudahan.
Doubt- minsan hindi mo alam kung masama o mabuti ang dulot niyan sa isang relationship. Hindi natin maiaalis sa mga sarili nating magdoubt lalo na kung walang trust.
Sa ngayon hindi buo ang trust sa pagkakaibigan namin ni Jiee kaya para sa akin, hindi naman ganoon kasama kung pagdudahan ko ang best friend ko.
Best! gaano nga ba kita kilala?
Pagkauwi sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at natulog. Sana makakuha na ako ng mga sagot kinabukasan.
Jiee's pov
Matapos ang isang buong araw na kasama si Allan eh haharapin ko nanaman ang isang panibagong araw kasama silang lahat.
Pagkapasok ko sa room ko lahat sila nakatingin nanaman sa akin. Natural, lagi kasing nakasunod si Allan sa akin o minsan naman ako itong nagiging buntot ni Allan.
Mga bulungan hindi natapos tapos eh paulit-ulit namang kami ang topic. Hindi naman ganon talaga kasikat si Allan pero dahil sa tsismisan eh mas lumala ang lahat.
Uy teh! Magkasama ulit yung dalawa.
Grabe noh! Gayuma na to!
Sana ako din sunduin at ihatid ni prince Allan.
Makapaghanap nga ng mangkukulam.
Ahy grabe! Hindi ko na kaya ito. Akong kukulam sa inyo eh. Mapagod naman sana mga bunganga niyo.
Psssh! Ang gandang tahiin eh.
Lumabas ako ng room na hindi nagpapaalam sa kanila. Puslit din habang may time noh! Gusto kong magpahangin muna.
Umupo ako sa isang bench malapit sa may chapel ng school. Nakatitig lang ako sa loob ng chapel habang hawak ang isang notebook ko. Kapag mga ganitong palayas-layas ako at patambay-tambay eh lagi akong may dalang notebook hindi para magreview kundi para gawing panakip sa mga bagay na hindi ko dapat makita at panakip na din sa mga hindi dapat makakita sa akin.
Maraming mga students ang dumaraan at habang naglalakad sila marami akong naiisip.
Dati nung high school ako, ang hilig kong ikumpara ang sarili ko sa mga studyanteng naglalakad sa harap ko.
Lagi kong linya eh sana ganon din ako. Hanggang sa nalaman kong kahit ganito lang ako, isang mahinhin at napakamahiyaing babae eh magugustuhan ako ng isang lalaking hinding-hindi ko inaasahang magkagusto sa akin.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob na baguhin ang sarili ko. Naging active ako sa mga school organizations at naging mas masayahin pa lalo dahil sa kanya. Nagawa kong makipag-usap sa mga ibang sections at lumabas ng room na walang kasama. Naging mas responsible at nagkaroon pa ng lakas ng loob para lumaban sa mga problema ko kasi alam kong may taong nakaka-appreciate sa akin.
Pero hindi ko aakalaing, siya din ang magiging dahilan ng mga sakripisyong hindi ko masasabing pinatatag ako ng lubos.
Natuto akong magtiwala, pero kapalit nito ang pagkasira ng tiwala ko sa aking sarili.
Natuto akong lumaban, pero mas natakot ako at nasaktan.
Natuto akong magmahal pero kapalit pala nito ay matinding sakit sa aking puso at damdamin.
Maya-maya nakita ko na si Neil at Angel na sabay pumasok galing sa gate. Halata sa mga ngiti ni Neil na masaya talaga siya. Hawak niya ang ibang mga libro ni Angel habang masaya silang naglalakad.
Madadaanan nila ako kaya agad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang notebook ko at nagdesisyong bumalik na ng classroom.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
