a/n: Wag na kayong magtaka kung napapadalas ang author's note. Namiss ko kayo eh. At mamimiss. Hindi ko alam kunh kakayanin ko pa ba itong patagalin. Masakit na. Patayin na lang natin silang lahat sabay the end.
joke lang kadi!
Enjoy!(tsss! Enjoy, palungkot ng palungkot ang moment. Author tlaga! ahempf)
Comment*vote*pm me*
(magdedemand na ako, gusto ko tlaga ng kausap)
Mhikayla's pov
9 months. Pabilis ng pabilis ang araw kaso ni isang balita wala pa din kaming alam kina Jiee.
Ang pangalan ni Allan, tuluyan na ding naglaho sa campus. At syempre bumalik na sa normal ang buhay namin matapos ang ilang buwang pag-uusisa na kesho tinago daw namin si Allan o kaya naman nabuntis ni Allan si Jiee kaya sila nawala.
Nakakainis nga mga bunganga nila eh, muntik pa akong napa-away. Sabihan ba namang malandi si Jiee. Hayyy! For their information, daig pa nung nagsabi non ang malandi. Nakapang-iinit talaga ng dugo.
Second year na kami. Nasurvive man namin ang isang sem na wala sila Jiee at Allan eh nahihirapan naman kaming ipagpatuloy itong first sem namin ngayong second year.
Nagdaan na ang mga araw. Tapos na din naming icelebrate ang first friendship anniversary namin kaso wala sila. Tanging picture nila na nakadikit sa dalawang naglalakihang teddy bear ang nakasama namin.
Part na din ng grupo si Mikko. Actually, best friends na talaga kami at nameet ko na ang fiance niya nung sembreak lang. Ang ganda at ang bait ng fiance niya. Bagay na bagay sila.
Ako? Kamusta ang love life ko? Wala eh. Napaka-hopeless pa din. Tinatamad pa atang tumibok ang puso ko eh.
As usual, hindi nabuwag ang grupo at mas naging solid pa. Dahil sa pangako ni Jiee na pinanghahawakan naming lahat.
-flashback-
Booom! Booom! Booom!
Merry Christmas Bellton Ford Fray University! Wooooohhhhh!
Lahat kami nagsindi na ng lusis at nagsitalunan. Ang saya na sa araw na to naging maayos na ang lahat. This day deserve a hug.
Group hug!!!!
Lahat kami nagyakap yakap na pero ng isa isa kaming pumiglas sa pagkakayakap, hindi na namin muli pang nakita si Jiee at Allan. Naglaho sila bigla at hindi namin alam kung saan sila nagpunta.
Paalis na kami ng hinarang kami ng sasakyan ni Allan. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa kanya ito.
Nagdate lang pala yung dalawa kaya nawala eh. Hahaha!
Pabirong sabi ni Marvin. Bubuksan na sana namin ang pinto ng biglang may iniabot sa aming cd ang driver ni Allan at tuluyan na itong umalis.
Lahat kami ay tumakbo papuntang computer room ng school at pinanood ang cd.
Guys, sorry pero mawawala muna kami ni Allan. Ayokong magpaalam kasi hindi naman talaga namin kayo iniwan. Hahanapin lang muna namin ni Allan ang sarili ko. Babalik ako, pangako yan. Patutunayan natin ang forever pagkabalik namin kaya sana walang mawawala sa inyo. Pasensya na kung hindi ko kayo nasabihan, basta wag kayong mag-alala, nasa mabuting kondisyon ako. I'm gonna miss you guys. Just remember, smile okay? See you soon!
At natapos na ang video. Lahat kami naguluhan. Si Jiee at Allan umalis ng walang konkretong dahilan.
-end of flashback-

BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...