chapter 63: Farewell?

33 3 2
                                    

Marvin's pov

Ang boring naman. Ganito na lang ba ang magiging araw-araw namin?

Ria's pov

Kelan kaya? Kulang talaga eh. Alam niyo yung feeling na yon? Hindi buo, kulang, may nawawala.

Ray's Pov

Grabe, hindi ko akalaing masasabi ko to pero sana maging first year na lang ulit kami. Nakakamiss.

Haley's pov

Nandito lang dati eh, dahil sa kanya nagkaroon ako ng kasama. Siya kaya? O sila? May kasama kaya?

Mhikayla's pov

Masakit, pero alam ko may rason eh. Hindi na ako magpapadala sa galit, ngayon alam ko ng magtiwala sa pagkakaibigan natin. Wag kang mag-alala, maghihintay kami kahit na mahirap.

Mikko's pov

Ito pala yon, ito ang dahilan. Ngayon alam ko na.

Neil's pov

8 months to be exact mula nung nagkasagutan kami ni Jiee. Hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito.

8 months, wala kaming balita sa kanya. Walang kahit anong balita ang lumipad sa amin. Ni pangalan niya, ni minsan hindi ko narinig sa campus. Nasaan na kaya siya? Talaga bang iniwan na niya kami? Ganon na lang ba kabilis yon? Sobrang sakit ba talaga ng nagawa ko? Hindi ko alam kung paano pero isa lang ang gusto kong sabihin....

Jiee, best friend, bumalik kana sa akin. Hindi ko na kaya, hindi ko na kinakaya, at hindi ko na kakayanin pa. Hanggang kelan? Hanggang saan?

-flashback-

*bogs*

Napahiga ako  sa sahig sa lakas ng pagkakasuntok niya sa akin. Ano bang problema neto?

Sabi ko sa'yo alagaan mo siya, sinabi ko sa'yo bantayan mo siya, pero anong ginawa mo Neil? Anong ginawa mo?!!!!

Mikko, tama na!

Inaawat siya ni Mhikayla.

Ano nanaman bang problema?

Wala ka talagang alam? *bogsh*

Nagdurugo na yung labi ko sa pangalawang suntok niya. Galit na galit talaga siya. Ramdam ko sa bawat suntok niya lahat ng inis niya.

Mikko! Tama na yan, wala namang magagawa yang suntok mo sa taong manhid eh. Ikaw lang ang masasaktan sa ginagawa mo.

Inawat na siya ngayon ni Marvin. Ano bang sinasabi ng mga ito? Bakit ako ang pinag-iinitan nila?

Ano nga kasi yon? Sumusobra na kayo ah!

Kami Neil? Kami pa ngayon? Wala kaming ibang ginawa kundi saluhin yang best friend mong lagi mong pinagtatabuyan, ngayon sana maging masaya ka na, kasi tuluyan mo na siyang naitaboy, magsasama na kayo ng matiwasay ng bitch na yon na ipinagpalit mo sa kanya!

What do you mean Mikko?

Si Jiee! *sniff* wala na si Jiee! Hindi namin alam kung saan siya nagpunta.

Maluha-luhang sabat ni Mhikayla.

Umalis na siya *sniff* at wala ka man lang nagawa para *sniff* pigilan siya kasi.....

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon