chapter 54: Caregiving Sundate

38 2 0
                                    

Jiee's pov

Grabe ang ginaw naman dito. Nakakumot na nga ako eh. Bakit maginaw pa din? Kinapa-kapa ko yung paligid ng higaan ko para hanapin kung nasaan si Jieeneil kaso parang hindi ko ata higaan ito. Teka nasaan ako?

Agad kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nandito pa din ako sa kwarto ni Allan.

KWARTO NI ALLAN?!!

What? So hindi ako nakauwi? Ipinaalam ba niya ako kay Lola? Siguro naman noh! Wala namang sumugod ditong mga pulis.

Ang natatandaan ko lang kagabi eh nanonood ako ng spongebob tapos bigla na lang akong nanaginip. Ang weird nga ng panaginip ko eh.

Pero teka,nasaan si Allan? Saan siya natulog? Wala naman siya dito sa kwarto. At pagkatingin ko sa wall clock eh 2am pa lang.

Grabe ang lamig talaga. BER months na din kasi. Oo nga! Kailangan naming icelebrate ni Allan ang first day ng BER month. Pero baka bukas na sa second day na lang kasi parang masama pakiramdam ko ngayon.

Agad akong tumayo habang nakapulupot sa akin yung kumot ko. Gusto kong hanapin si Allan kaya agad akong pumunta sa living room. Baka kasi dun siya natulog sa upuan.

At tama naman ako. Dun nga siya natulog. Kawawa naman siya. Wala siyang kumot at halatang giniginaw na siya.

Folding bed yung sofa ni Allan kaya maluwang pa. Eh sa kayaman yaman naman kasi ng taong ito bakit iisa lang ang kumot niya. Naawa naman ako tsaka di ba, wala namang malisya ito di ba? Kasi best friend ko siya? Oo tama ka Jiee kaya wag ka ng mag-isip ng kung ano pa.

Tinabihan ko siya at kinumutan. Ayoko namang mamatay sa lamig dito si Allan. Masyado na siyang nagsasacrifice para sa akin.

Pagkahiga ko sa tabi niya eh bigla na lang niya akong niyakap.

*gulp* Paano na to? Alam ba niyang ako ito? Ahhhhh! Hindi siguro. Grabe ang lamig niya. Kawawa naman talaga siya. Ahhhhhh pero hindi ba talaga niya ako pakakawalan? Mahimbing na mahimbing ang tulog niya.

Kahit na awkward to eh pinilit ko na lang na makatulog ulit pero ang hirap talaga. Bale harapan kami ngayon at hindi pa din niya ako pinapakawalan. Nakayakap pa din siya sa akin.

Ngayon ko lang mapagmamasdan ang mukha niya ng ganito kalapit kahit na lagi kaming magkasama. Ang gwapo nga talaga niya. Ang tangos ng ilong niya. Ang bango pa niya kahit ganitong oras na. Hindi siya amoy laway. Wow naman! At kahit na messy na yung buhok niya eh mas nakadagdag pa ito sa kagwapuhan niya.

YAAAH! Masamang nilalang ka Jiee. Pinagtataksilan mo si Neil. Ang one true love mo! Malandi! Malandi! Huwag kang gumaya sa kanila.  Wag mong pagnasaan si Allan!!!!!!

Pero di nga. Real talk, siguro kung hindi ko mahal si Neil eh nainlove na ako dito kay Allan. Eh sa sobrang caring tapos kahit naman may bad side siya eh nakikita kong kusa siyang nagbabago. Tapos besides the fact na gwapo siya eh magalang pa siya sa mga matatanda at mayabang minsan pero nasa lugar.

He's really cute when he do sweet stuffs tulad ng ginawa niya sa dinner kagabi which is nag over react ako sa sobrang saya ko lang. Timang lang talaga kasi ako.

Ang swerte ko naman na best friend ko ang living creature na ito. Hihi! Napa-giggle ako ng konti tapos bigla siyang gumalaw at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Ngayon nararamdaman ko na ang init ng katawan niya.

Haaaaay!!!!! Inaantok na naman ako. Isipin ko na lang si Jieeneil ang yumayakap sa akin! Fighting!

After a few seconds..............

zzzzzzZzZZZZzzzzzz

Allan's pov

Grabe ang ginaw pa din. Ang liwanag naman dito sa sala. Nakalimutan ko pa lang isara yung kurtina kagabi.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon