Chapter 6: Identity Crisis

103 7 2
                                    

Allan's pov

Anong Allan ka diyan? Ikaw author ka ha. Sumisegway ka nanaman. Allyssa nga ako di ba? Oo, ako si ever gorgeous Allyssa sa balat ng lahat ng universities dito. Ha-ha-ha! Nagjojoke ako, ano ba! Kaya tumawa naman kayo, mga walang pakisama. At oo isang malaking joke ang nangyayari sa akin sa mga oras na ito.

Kasi hindi ko ma-explain. May identity crisis na ata ako. Meron o meron nanaman? Feeling ko parang natomboy na ako kay Jiee. I just can't believe this.This is such a big joke! Magkagusto sa kapwa ko gurl?

NEVER! Over my dead shinning and shimmering slenda body. Never dapat pero itong lokaret kong puso isama mo na si utak ay hindi nagkakasundo lately. Pareha silang walang tigil sa pagdedebate. Pumapangit na tuloy ako dahil hindi ako pinapatulog nang mahimbing ng puso at utak ko. Minsan maging sa panaginip ko, si Jiee ang nakikita ko. Tapos minsan bigla ko na lang nasasambit at pangalan niya at what's even worse? Sinusulat ko kung saan saan ang panagalan niya. Naobssess na ata ako sa pangalan ng babaeng iyon. This is so not real! This is not supposed to be real!

Ang cute lang siguro niyang tignan nun kaya parang natomboy ako saglit ...

Oo tama saglit lang...*gulp* Ano ba itong sinasabi ko?

Ipagpapalit ko ba naman si man of my dreams ko na best friend ng angel ko? Ano ito? Magbest friend, tinutuhog ko? Yuck! Ang cheap mo Allyssa. Compose yourself! Kadiri! Kadiri ako! Huhuhu!

And speaking of that man, kung hindi ako nagkakamali...

KINAWAYAN NIYA AKO! As in now na while I'm walking in this magical hallway. Teka kelan pa naging magical ang isang plain hallway? Tanga! Malamang, kung makakasalubong mo ang isang boylalu.

At sa pagsalubong ko sa kanya, ay yayakapin niya ako at isisigaw sa buong campus ang mga salitang, "Mahal kita Allan!".

Che! Anong Allan ka nanaman diyang author ka! A-L-L-Y-S-S-A nga di ba? Pero wait, ako nga ba talaga?

Tingin sa likod- PADER!

Tingin sa gilid- PADER nanaman!

So ako nga? Oo, ako nga! Yieee! Eksena na ito! Kyaah! Yan na. Yan na. Malapit na siya. Magkakalapit na kami. Ito na!

"Ah 'diba ikaw si Allan?" Toinks! Para akong nauntog sa pader. Ano ba yan, turn-off! Bakit Allan tawag niya sa akin? Eh dapat sana Allyssa diba? Enebeyen! Oh well, I'll give him another chance. Si man of my dreams, nasa harap ko as now na. Hindi pa ako napapakilala ni Jiee sa kanya eh. Amp! Winner bhe! Ang gwapo niya! Woohoo!

"Ah yes? Ikaw naman si Neil 'diba, yung best friend ni Jiee?" Syempre kunwari hindi ko muna know, hindi lang best friend yan ni Jiee, man of my dreams ko rin yan! Heart heart! Ang winner talaga ng eksenang ito. Magpapabebe muna ako sa kanya.

"Oo,may favor kasi sana ako. Pwede bang tulungan mo ako na makuha si Jiee mamaya. Ayaw niya kasi akong kausapin o pansinin.Ilang beses na akong nag-attempt na kausapin siya kaso natatakbuhan niya kasi ako." Hmpf! Bakit mo kasi siya inaway noh? Kung hindi lang winner ang moment natin ngayon, kakalbuhin na sana kita eh. Alam mo bang ako naging kawawa dahil sa ginawa mo kay Jiee? Instant kong nakita ang Pagsanjan Falls dahil sa'yo.

"Ah-eh teka close ba tayo?" Medyo pataray kong sabi sa kanya at saka um-aura pa ang kilay ko. Pak! Winner nanaman! Eh kasi naman, oo man of my dreams ko siya pero pinaiyak niya ang angel ko. Gusto ko nga siyang jumbagin pero he's so precious to me and so precious to Jiee.

"Oh, sorry. Okay ahem! Hello Allan, I am Neil, can you help me? I just really need you right now. Alam ko galit ka kasi pinaiyak ko si Jiee but I am really desperate. Please! I want her forgiveness." Sabay hawak niya sa mga kamay ko. Awww! Makakatanggi pa ba ako sa nilalang na ito? Syempre hindi noh! Tsaka nakikita ko namang sincere talaga siya. Swerte talaga ng angel kong yun! Sana ako rin ganun. Ano naman kayang balak ni Neil? Sabi niya kasi basta piringan ko si Jiee, tapos dalhin siya sa open space malapit sa oval. Ay ang bongga mo day! UMPAK WINNER! Tumango na lang din ako sa mga sinabi niya.

"Really, pumapayag ka na? Thanks Allan! You're the best!" Sabay yakap sa akin habang abot langit na ngiti ang pinapakawalan niya.

WAAAH! Hindi na ako makakilos dito. I'm so kinikilig to death. Bhebhe ko, wag kang ganyan at baka iuwi kita as in now na! You are really the man of my dreams Neil Salvador!

Nakatayo na lang ako dito habang pinagmamasdan ang pag-alis niya. Ang mga ngiti niyang nakaka-adik kahit na minsan ko lang makita eh nakaka-inlove na. Byebye man of my dreams. Woohoo! Winner moments are the best! Lakas ko talagang makaeksena sabi nga ni Jiee.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon