Chapter 17: Meeting Mhikayla Sanchiez

74 3 0
                                    

Author's note: Simpleng chapter lang ito tungkol kay Mhikayla. Para naman may exposure rin siya.

Mhikayla's pov

Sunday ngayon kaya walang pasok. Malamang, sino ba sa ngayon ang masipag pang estudyante na hanggang linggo eh nanaising pumasok? Well, hindi ako. That's a no no no!

Maaga akong nagising para magsimba. Pagkatapos magsimba, umuwi rin ako agad. Hindi ko pa naman kasi kabisado dito eh. Mawala pa ako at makidnap. Malabo pa man din ang mga mata ko at madalas kong makalimutan kung saan ko inilalagay o ipinapatong ang eyeglasses ko. Nearsighted-astigmatism ang kondisyon ng mga mata ko. Sa pamilya namin, hindi na bago ito dahil mula kay Lolo,Lola,Papa,Mama at maging ang Kuya at Ate ko ay nakasalamin na tulad ko. Hindi na rin ako magtataka kung pati si bunso, pagsapit ng highschool ay meron na ring apat na mata kagaya namin.

Taga Ilocos ako at kaya lang naman ako nag-aral dito sa university na ito kasi nakapasa ako sa entrance exam dito. Hindi ako pinalad sa unibersidad doon sa amin eh kaya kahit malayo dito eh pinagtitiyagaan ko ang maging loner sa boarding house ko. Mag-isa ko lang sa isang kwarto. Ayoko rin naman kasi nang may kasama sa loob ng kwarto kasi madami akong secrets. Isang malaking boarding house 'to. May limang kwarto. Pwedeng apat sa isang kwarto pero mas pinili kong mag-isa para mas makapag-aral ako.

Pagkauwi sa bahay, kumuha agad ako ng pagkain sa ref at agad binuksan ang laptop ko. Diretso online agad ako sa fb. Hindi ko pwedeng pabayaan ang social life ko noh!

Makapag post nga ulit.

Mhikayla is feeling bored: "Sometimes the one you love the most is the one who stays the farthest from you."

#MissingSomeone

'Yan! Para damang-dama ang kadramahan. Sino kayang pwede kong makachat ngayon? Gusto ko talaga ng kausap. Walang mga assignments at medyo wala pa ako sa kondisyong magbasa. Ilang minuto kong dinadaanan ang newsfeed ko nang biglang may nag-pop sa notifications ko.

Mikko messaged you...

Inopen ko 'yung chatbox namin at gusto ko nang magwala at gumulong pababa dito sa hinihigian ko nung nabasa ko 'yung message niya. Muntik na akong mabilaukan dahil sa nabigla kong naisubo 'yung buong tinapay na kinakain ko. Don't me!

From Mikko: Hi Mhikayla? Musta na? Sinong namimiss mo?

Uhmm. Anong isasagot ko? Kasi si Mikko naman talaga 'yung namimiss ko eh. Maliban sa pamilya ko, mga kaibigan, eh siya lang naman talaga ang sobrang namimiss ko dahil bihira ko na lang siyang makachat. Alangan namang sabihin kong siya?

Mhikayla: Ah miss ko lang diyan.

Pagpapalusot ko sa kanya. Natotorture na talaga itong tinapay sa akin. Kasalanan mo ito Mikko eh!

Mikko: Dito? Eh ako ba hindi mo namiss?

Ay lintik naman oh! Ganyan ba talaga kadali sa'yong magbanggit ng mga ganyang bagay? Siguro kung kaharap kita, naibuga ko na sa'yo itong mga kinakain ko.

Mhikayla: Ha? Bakit naman kita mamimiss?

Ang kapal ng apog eh! Pero aaminin ko, miss na miss naman talaga kita Mikko of my life eh! Kaso dalagang Pilipina ako kaya pasensya na.

Mikko: Joke lang. Sige bye na.

Hala! Bakit ang bilis naman? Ganon na lang talaga iyon?

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon