chapter 68: False alarm

36 1 0
                                    

Mhikayla's pov

Nandito kami ngayon sa park malapit sa bahay nila Jiee. Oo, tanda ko pa naman kahit papano. Matagal tagal na din kasi akong hindi napunta sa lugar na to. Para saan pa, kung mamimiss ko lang lalo si Jiee. Ang weird nga eh lahat kami nakatanggap nung blue invitation. Pero wala kasing nakasulat kung kanino galing. Basta meron lang eh mga pangalan namin. Magtataka pa ba kami kung para sa amin yon, eh nandun na mismong nakasulat ang complete names namin, sama mo pa pati middle name. Ang adik talaga.

Sa tingin niyo, sila na kaya to?

-Marvin

Pare-parehas lang naman tayo ng nasa isip eh. Pero impossible kasi. -Ray

Basahin nga ulit natin. - Mikko

You are forcedly invited to attend the grand opening of a new fashion industry here in the Philippines and most specially this event is dedicated to the grand debut of their daughter.

Wear something casual, it must be color blue,pink, or violet. See you 8:00 sharp on February 14 in front of your houses. You will be kidnapped by a limousine. So don't worry.

Ang rude! Hindi ako aatend! Hindi ko naman kilala yan. -Ria

Hindi talaga sila nagbabasa ng mabuti.

Guys, basahin niyo kasi ng mabuti. Personal note: In case you're deciding not to attend, well, I got my eyes on you! So attend or die!

Ang scary talaga. -Haley

Wala naman sigurong mawawala kung aatend tayo di ba? Magkakasama naman tayo.-Mikko

Tska don't worry ladies, andito mga super heroes niyo.- Marvin sabay pakita ng muscles and abs niya.

Oh gosh! Doomsday! - Haley sabay takip naman ng mga mata.

Impossibleng si Jiee to. Hindi siya ganito ka rude. False alarm to guys. Sige kitakits na lang. Una na ako. Nag-aantay si Wifey eh. -Mikko

Tama sila. False alarm nga lang ito. Akala naman namin si Jiee na. Pero pwede pa din eh kasi blue.

Ughs! Naadik lang kami sa blue. Haixt! So aatend nga kami kahit hindi namin kilala ang nagpadala ng sulat na ito. Ayaw man namin o hindi, wala eh, monitored kami.

So ngayon habang naglalakad ako pauwi, may nakatingin sa akin ganon?

Waaahhhh! Scary nga!

Wahhhhh!

Nagtatakbo akong sumisigaw pauwi. Nakakatakot nga naman talaga. Pero hindi naman to mamamatay tao di ba?

Waaaahhh!!!!

Walang tao pa man din dito sa tinatakbuhan ko. Madaraanan ko pa ang bahay nila Jiee. Ano ba yan! Tama na, namimiss ko na siya. Pero wala akong choice.

Nagtatatakbo lang ako ng makita ko si Neil sa harap ng bahay nila Jiee. Hawak ang isang blue letter na kagaya nung sa amin. So pati siya invited? Abay teka bakit siya nasa bahay nila Jiee? Aaahhh! Hayaan na nga yan. Kailangan ko ng umalis. Baka mapano pa ako dito eh.

Baka naman lahat ng students sa BFF University invited. Grabe ang yaman naman nun kung sino man siya.

Aaaahhh! Alam ko na. Baka yung president ng commitee. Tama magdedebut na pala yun ngayong taon. Magkabirthday pala sila ni Jiee. Yaman talaga nun grabe. Pero ang cool ng debut niya ha. Akala niya bobits kami, hindi namin malalamang siya. Duh? Nasa dean's list kaming magbabarkada noh kaya kahit hindi kami ganoon kayaman katulad nila eh may maipagmamalaki pa din kami.

Makapag-gm nga.

We are not born to be loosers! But we are born to be wild!

***

Guys alam ko na! Si Chelsea Anne Cruz ang magdedebut! Psssh! Attend na tayo! Invited naman lahat ng nasa BFF UNIVERSITY EH!

#crazy #falsealarm #aftie

SENT! Bwahahaha :) Ang social life. Hindi dapat mawala.

1 message from Ria: Ikr! May invitation din yung ibang kakilala ko na taga BFF UNIVERSITY. Psssh! Paasa naman yan. But it's a party, so game!

1 message from Haley: Yan din naisip ko. Rich kid yun eh. No wonder, limousine kikidnap sa atin.

1 message from Mikko: Naisip ko din yan. Well, see you nalang.

1 message from Marvin: Basta gwapo kami ni Ray! Period.

1 message from Ray: Kung anong sabi ni Marvin, Second the motion bro!

Eerrr! Mga baliw talaga sila. Well, tama nga naman. Party to, invited kami, edi enjoyin na lang. Kaw ba namang kikidnappin ng limousine noh! Gora na!

Haixt! Sa taga-titig man sa amin, magsawa kang tumingin sa kagandahan ko! Hahaha :),joke lang.

Pagkarating sa bahay, lagapak a agad ako sa kama. Kuhanin ang laptop, sabay online.

Wala pa ding kahit anong message galing kay Jiee. Ano ba yan. Naaalala pa kaya nila kami? May pag-asa pa kayang matuloy ang naudlot naming friendship? Gusto ko na siyang kwentuhan. Sabihing ok na kami ni Mikko, naka-move on na ako at kaibigan ko na ngayon ang fiance niya.

Ang bilis ng panahon. Second year na kami. Mga ate at kuya na kami sa BFF University. Hindi na kami ung naeexcite lagi sa mga nangyayari sa school kasi alam na namin. Pero sa paglipas ng panahon, nanatiling wala si Jiee at Allan.

Kami magkakasama pa din, hindi nagwawatak-watak tulad ng bilin ni Jiee. Sila kayang dalawa magkasama pa din?

Oh my geee! Baka sila ng dalawa. Baka nakamove-on na din si Jiee tulad ko. Yieeee! Tapos mabubuo na talaga ang Jieellan loveteam!

Waaahhhhh! Tapos siguro pagbalik nila dito, iaanounce na nila officially ang relasyon nila tapos tataanungin ko agad si Jiee kung anong mga nangyari sa loob ng 1 year.

Baka todo kilig yun. Si Allan pa, eh ang yaman yaman nun. Haaayyy! Ang swerte ng lublayp mo Jiee.

Ako kaya? Hmmm .. Check ng mga friend requests. Haay ayokong iaccept. Wala sa kanila ang man of my dreams. Check ng past messages, madami namang nagpaparamdam pero wala talaga eh.

Ano to? Natrauma sa love? Namanhid sa love? O sadyang bitter lang?

Ewan ba. Nakakabagot naman ang buhay na ganito oh. Naku naman! Bigyan niyo naman ng excitement ang buhay ko. Nalalanta na eh.

Hmmm, ano bang magandang gawin? Magskates? Baka mabali naman ako dun. Magsurfing? Wag na, mainit, sayang effort kong nagpaputi. Mag mountain climbing? Jusko, extremes sports totally x-mark yan.

Jiee! Umuwi ka na kasi. Nababaliw na ako dito oh! Makaramdam ka naman sana.

Neil's pov

Isang invitation? Binasa ko ito at pumasok na sa loob ng bahay.

False alarm eh.

Alam mo yung atmosphere kanina na sobrang saya na eh biglang bumalik sa normal na pagkalungkot. Paasa naman daw yung nagdoorbell.

Ayoko sanang umattend kaso kung makapag-banta naman kasi eh. Oo na, aatend na. Sa totoo lang, simula nung nawala si Jiee, hindi na ako naging palapasyal o papunta punta sa kahit anong party kasi nakamukmok lang ako dito sa kwarto niya.

Matagal tagal na din naman eh, siguro kahit papano kailangan ko ding umusad.

Wag kang mag-alala Jiee, kahit isang minuto hindi ka mawawala sa isip ko. I love you!

Sabay hug ko dun sa teddy bear. Sana nagsasalita na lang to. Haaay! Napamahal na din sa akin ng todo ang teddy bear na to. Nahawa na ata ako kay Jiee. Un bang minsan feeling mo nakakapagsalita sila, tapos parang konektado ka na sa kanila.

Hindi naman siguro ako minumulto di ba?

Ano ba yan. Kung ano ano nanamang iniisip ko. Makauwi na nga. May kailangan pa akong ayusin eh.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon