Chapter 3: Mr. Becky

118 6 2
                                        

Jiee's pov

Isang napakagandang araw para bumangon at maligo nanaman. Natural! Kahit naman hindi ako ganon kaganda, kailangan ko pa rin namang mangamoy kaaya-aya. Matapos kong magnilay-nilay nung isang gabi, napagisip-isip ko yung mga nasabi ni Ray sa akin kaya naman kahit papano medyo nagpapaka-good vibes na lang ako.

Wisik-wisik ! Hmm... Ang lamig ng tubig, mamaya na nga ako maliligo. Tumakbo ako agad sa kwarto kasi narinig kong tumunog ang aking pinakamamahal na cellphone- without you I would be forever alone! Buti na lang pala naimbento ang cellphone. Thank you cellphone creator!

Tinignan ko agad kung sino nga iyong nagtext. Eish! Nakakainis naman ito. Akala ko si Neil na yung nagtext eh. GM lang pala ni Mr./Ms. Allan at inspired nanaman yata ang dyosang ito. Sino nanaman kayang malas na lalaki ang nakasalubong niya? Naku po! Ipagdasal na lang natin ang kaligtasan nila. Sabay sign of the cross ko pa.

Hindi ko pa nga pala siya naikwento sa inyo. Bale ngayon hindi na lang si Ray ang kasama ko, kundi pati na rin si Allan. Yung becky kong classmate. Kaso parang mas gugustuhin ko pa rin talagang makasama si Ray kesa sa kanya. Wala din naman akong choice dahil hindi sa lahat ng oras kaya akong samahan ni Ray. Kung si Ray kasama ko, nakakabasag yung katahimikan naming dalawa, kung si Allan naman, nakakabingi yung kaingayan niya. Ang hayper!

>FLASHBACK<

Tumatakbo ako papuntang classroom noon nang bigla kong nabangga itong gwapong nilalang na ito na nakaharang sa daan at may hinahanap sa bag niya. Hindi ko makita ang bag niya pero alam kong bag niya iyong hinahalungkat niya dahil may nakasabit sa balikat niya kaso ang pinagtataka ko parang hindi karaniwang bag iyon ng isang lalaki. Nabangga ko siya then suddenly may tumilapong lipgloss galing sa kamay niya.

ENEBEYEN ! Akala ko naman makaka-tsamba na ako kasi gwapo ang nabunggo ko, kaso kalahi ko rin pala. Sabi ko na nga ba, nahiya naman yung bagpack ko sa shoulder bag niya. Sayang naman ang kagwapuhan nito. Mala-adonis pa naman na sa sobrang fit ng suot niya ay mas naemphasize pa nito ang kalakihan ng katawan niya.

Agad akong gumising sa pagnanasa, ay este, pagiilusyon ko sa kanya nang maalala ko ang lipgloss niya. Tumakbo ako para pulutin ang lipgloss niya at iniabot ko ito sa kanya and expect the unexpected, itinaas niya ang kamay niya na para bang sasampalin na niya ako. Yumuko ako sa sobrang takot at taimtim na nagdadasal na sana may isa pang gwapong nilalang na magligtas sa akin sa sitwasyong ito. Para lang lipgloss? Masyado naman po ito! Sa laki ng katawan niya, paniguradong malakas ang impact ng sampal na aabutin ko rito. HELP!

Naghihintay ako na may tumunog at may maramdamang kamay na dumampi sa aking mukha pero wala naman akong nararamdaman. Eh? May nagligtas na ba sa akin at feeling ko ako ay niyayakap na ngayon ng isa pang machong lalaki? Nafefeel ko talagang may nakayakap sa akin eh.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata para makita kung anong nangyayari kaso maiiyak yata ako sa nakikita ko. Goodness gracious! Jusme! Lamunin na po ako ng lupa, please!

Si Mr. Becky ang nakayakap sa akin at sobrang saya niya ha! Bakit ba ako niyayakap ng isang ito? Nakakasuka! Nakakaewan! Ang higpit higpit pa, hindi na ako makahinga. Magproprotesta na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Yieee! Life saver ka teh! Nailigtas mo ang lipgloss ko sa tuluyang pagkahulog sa bangin ng kamatayan! I love you na! By the way, I'm Allan, you can call me Allyssa if you want, I would be honored! And you are?" Sabay lahad niya ng kanang kamay niya sa akin matapos niya akong bitiwan. Buti na lang at bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin at nang makahinga na ako ng maluwag. Agad naman akong tumitig sa kamay niyang nakalahad sa akin.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon