A/n: Dahil walang pasok ngayon! Yehey magcelebrate tayo :D
Tadtadin ko na kayo ng mga updates kashi kashi magiging busy nanaman ako ngayong week hanggang next week. Keep on reading guys! Paexcite ng paexcite ang nangyayari. Malay niyo sa sobrang kabaliwan ng author, bigla na lang matapos ang story na to bukas? o sa susunod na bukas?
Basta kung ako senyo, bibigyan ko na kayo ng clue, abangan ang grand fair, then ultimate pagkawala kung sino man ang mawawala, ultimate come back at ang pinakabonggang throwback! ^_______________^
Jiee's pov
Nagdaan ang mga araw at kahit anong pilit naming kausapin si Mhikayla eh wala kaming nagawa.
Namimiss ko na siya ng sobra. Samantalang si Neil hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap.
Naging busy ang lahat pagkatapos ng exam kasi lahat ay naghahanda na para sa christmas fair na tatagal ng 1 week at yun na din ang huling week namin sa school kasi sembreak na. Wala ng lessons pero puspusan naman ang paghahanda namin para sa unang araw ng christmas fair at mamaya nga ay ang grand opening nito.
Papunta na kami nila Allan sa school dala-dala ang mga iba pang kailangan sa booth. Ginamit namin ang sasakyan ni Mikko kasi siya ang sumundo sa amin kanina.
Yup! Friends na kami ni Mikko. Ngayon siya ang madalas na kausap ko kung about sa business at kay Mhikayla ang topic. Matagal na din naman silang magkaibigan ni Allan kaya close na sila. Hindi na kailangan pang ilayo ako kay Mikko kasi alam naman ni Allan na mapagkakatiwalaan siya.
Grabe noh! Dalawa na ngayon ang protector ko. Issue nanaman to ngayon sa school. Lately mas naging laman ako ng tsismis dahil sa balita tungkol sa nangyari sa amin ni Mhikayla. Madami ng nagtataka kung bakit daw ang dali kong mapalapit sa mga taong sikat dito sa school, kesho ginayuma ko daw sila ganon ganyan. Tse! Mas mukha naman silang mangkukulam kesa sa akin. Kasalanan ko bang ako yung nilalapitan hindi kayo? Nakakaasar man minsan pero hayaan na.
Malapit na kami sa school ng biglang sinabi ni Allan na mauna na si Mikko kasi may dadaanan lang kami saglit.
Actually, I have no idea kung ano nanaman yun. Kahit kelan talaga Allan ang hilig sa surprises.
Pumayag naman si Mikko. Bumaba kami ni Allan sa isang botique na malapit sa school. Ewan ko kung anong meron dito.
Cute yung botique. Madaming personalize shirt na may mga naka-print na words at may mga cute characters din. May spongebob, mickey mouse, fin and jake basta lahat ng cartoonas at anime naghalo-halo na. Kyaaaahhhh! Ang ganda naman dito. Bakit ngayon lang kami napadpad dito?
Pagkapasok sa loob may lumapit kay Allan na babae tapos may ibinigay na paper bag sa kanya.
Tapos bigla akong pinapasok ni Allan sa fitting room at isuot ko daw lahat ng laman nung paper bag. Sumunod na lang ako. Wala namang magagawa yung pagtataka ko.
Walang salamin sa loob at madilim kaya hindi ko makita ang laman ng paper bag. Ang alam ko lang eh may t-shirt at shoes ito. Para saan naman kaya ito? At bakit ba walang ilaw dito. Medyo creepy na ha.
Allan tapos na akong mag......
Bigla na lang lumiwanag nung lumabas ako tapos may isang lalaking palapit sa akin na parang may usok pa sa likod niya. Anong entrada to? Maliwanag lang dito sa labas kanina ah.
Kamatayan? Bakit parang ang macho naman ata?
San Pedro? Pero grabe hindi naman mukhang matanda.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
